Katatapos ko lang kausapin si Kuya Ben. Sa pagkakataon na ‘to, updated na ako sa kalagayan ng aking kapatid. May numero din ako ng nurses, doktor at katiwala namin, kaya't kahit papano ay kampanti ako. “Sh*t!” mura ko ng matabig ko ang tasa ng kape. May ginagawa ako sa aking opisina at kailangan ko matapos agad. Dinampot ko at telepono dito at tumawag ako sa baba. “Sir,” bungad ni Manang Analyn. “Manang, pasuyo naman po. Pakilinis dito sa sahig, nasagi ko ang kape, nagkalat sa carpet.” “Sige! papunta na ako d’yan,” sabi nito. Nagpasalamat ako sa matanda at binaba ko na ang tawag. Muli kong hinarap ang aking laptop at muli akong tumipa sa keyboard. Narinig ko na may pumasok, pero hindi ko na nilingon, dahil ayaw ko mawala sa concentration. Pero nagulat ako ng masagi nito ang aki

