Ang bilis lang ng pangyayari. Apat na araw, matapos mamatay ni Brayell. Inilibing na ito kaagad. Ngayon ay nakatitig na lang ako sa malambot na lupa, kung saan inilibing ang yumao ko na kasintahan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Sobra, parang ayaw ko ng umalis dito sa himlayan. Parang gusto ko na rin maghukay at sumama na sa loob, kay Brayell. “Let's go, baby girl,” tawag sa akin ni Daddy Ken. Nginitian ko lang ito at hindi pinansin. “Halika na, mukhang uulan pa ng malakas. Ang dilim ng langit,” sabi naman ni Tita Natalia, ang ina ni Brayell. Hindi ko sila pinansin. Bahala na kung uulan, basta gusto ko manatili dito, hangga't ang mismo na mga empleyado ng libingan ang magpalayas sa akin. Nagpaalam na sila na aalis na, wala akong pakialam. Besides, wala na si Brayell, so wala n

