“Kyline! Khifer! My Gosh! Didn't I tell you two, not to go far from me?” naiinis na sigaw ko sa kambal kong anak. Dalawang buwan na, mula ng bumalik kami ng bansa. Nandito kami ngayon sa property na nabili ko sa Quezon Province. “Why po Mommy? We were just chasing each other. You said it was safe here, because there are no sharp rocks?” si Kyline. Ang aking anak na babae, best in recitation talaga. Laging may katwiran sa lahat ng sasabihin. “It's okay, Ky. Let's go inside, Mom might be getting tired of watching over us. It's hot na rin, my skin is already burning.” si Khifer. Ang aking anak na maunawain at tahimik lang. Nakanguso si Kyline sa sumunod na lang sa amin. Dahil ang kakambal niya, hawak na ang kamay ko. Nangingiti na lang ako, na inabot ang kamay ng aking anak na babae. Sa

