Nakalabas na ng hospital si Jevie, wala pa rin si Kuya Ben. Hinihintay ko itong tumawag pero wala akong natanggap. Nag-aalala na ako, dahil halos isang buwan na, mula ng mag-usap kami, na babalik na ito, matapos dumating ang mga orders niya na mga gamit. “Daddy Ken, alam ko na alam mo kung nasaan si Daddy Ben. Pwede ba na puntahan mo siya at pauwiin na? Halos limang buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako,” sabi ni Jevie na lumuluha ang mga mata. “Sshhhhh. Don't cry, gagawa ako ng paraan. Noong nakaraang linggo ko pa yan iniisip, kaya nga nag leave ako ng isang linggo. Kailangan ko hanapin si Kuya sa Quezon, halos isang buwan na din kami walang communication. Si Manang Analyn na muna ang bahala sayo huh? Basta, ako ang bahala, wag ka mag-alala. Baka mapasama ka p

