Hindi alam ni Venice kung ano ang magiging reaksyon niya habang kaharap si Damon. Yes, ito rin ang lalaki sa bar. Kaya pala pamilyar na pamilyar sa kanya ito, dahil kilala pala talaga niya ang nakasayaw niya kagabi. Tinalikuran niya ito at nagmadaling umalis sa harapan nito. Tumakbo na siya dahil naramdam niya na sinusundan siya nito. "Venice, stop!" pigil na sigaw nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Tumakbo siya kahit na nahihirapan siya sa suot niyang High heels. Bakit pa ba sila pinagkita muli? Hindi na niya gustong makita pa ito. Tahimik na siya kung nasaan siya ngayon. Walang bagay na nagpapaalala sa kanya mula sa nakaraan. Pero ngayon, nanumbalik na naman sa isip niya ang sakit na dinulot nito. Nagpahid siya ng luha ng makalapit sa pinto pero nabigla siya ng hinatak siya

