NAKALAPAG NA ANG sinakyan nilang eroplano sa NAIA Airport. Balak sana ni Venice na sa condo siya umuwi, pero sabi ni Damon ay mansyon na daw siya muna umuwi. Kaya sumang-ayon na lang siya.
Lulan na sila ng sasakyan habang binabagtas ang daan kung saan ang mansyon ni Damon. Tinitignan niya ang picture nila na kuha sa boracay. Nakasandal siya sa balikat ni Damon habang nakaakbay ito sa kanya.
"Look, Damon. Gawin kaya nating wallpaper ito?" turo niya doon sa picture na nakasakay sila sa jetski.
"Kung 'yan ang gusto mo, sige. 'Yan na din ang akin." sabi ni Damon at pinatong sa hita niya ang cellphone nito. Umayos siya ng upo at binuksan ang cellphone nito.
Napangiti siya ng tumambad ang litrato nila. Ito 'yung sa office nito. Nakaupo si Damon sa swivel chair nito habang siya ay nasa likod nito at nakahawak sa balikat nito.
Pinasa niya ang litrato sa cellphone niya at tinignan ang gallery nito. Nag-browse siya ng mga files nito at napansin niya na may isang files ng litrato ang naka-private. Sinubukan niyang buksan pero kailangan ng password. Tumingin siya kay Damon na nakapikit habang nakasandal ang ulo sa balikat niya.
Napaisip siya ng malalim kung bakit private 'yon? May tinatago kayo doon si Damon?
Nag-concentrate siya at nag-isip ng maaaring password. Nag-type siya ng pangalan nito, initial nito, at pati date ng anniversary nila, pero ayaw pa rin. Tinype niya ang pangalan niya, pero hindi pa rin.
Huminto ang sasakyan, kaya dali-dali niyang in-exit ang files at binalik sa wallpaper.
Gumalaw si Damon at dumilat kaya tumingin siya rito. Inabot na niya ang cellphone nito at kinuha naman nito.
"Sir, may bisita po kayo." sabi ng driver ni Damon pagkaparada ng sasakyan.
Tumingin siya sa sinasabi ng driver at tama nga ito, may nakaparadang isang mamahaling sasakyan at tila kilala 'yon ng mga tauhan dahil pinapasok.
Tumingin siya kay Damon at nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Binuksan nito ang pinto at bumaba. Tumingin ito sa kanya at naglahad ng kamay.
"Let's go, babe." aya nito.
Kaya kinuha niya ang bag niya at humawak sa kamay nito. Inalalayan siya nito sa pagbaba. Pagkababa niya ay sinara na nito ang pinto at humawak sa baywang niya. Inakay na siya nito kaya sabay na silang lumakad.
"Sino kaya ang bisita mo? Kilala mo ba?" tanong niya rito habang umaakyat sila ng hagdan paakyat para makarating sa main door.
"Yeah." maikli nitong tugon.
Yumukod ang mga tauhan nito sa kanila kaya tumango siya bilang pagtugon.
Pagpasok nila ay hindi magkandaumayaw ang mga kasambahay. Tila mga aligaga ang mga ito sa paglilinis.
"Dapat ay inaayos n'yo ang trabaho n'yo."
Napatingin siya sa hagdan ng makarinig ng sigaw ng isang maawtoridad na boses ng isang ginang. Bumaba doon ang isang sopistikada ginang na may maamong mukha ngunit may istrikto awra.
Bigla ay nakaramdam siya ng kaba sa ginang. Napakapit siya sa braso ni Damon na kinatingin nito. Inakay pa siya nito papasok kaya napatingin ang ginang sa kanila.
"What are you doing here, Mom?" bagot na sabi ni Damon.
Gulat na napatingin siya kay Damon.
'Mom? Mom niya ito?' ani ng isip ni Venice.
Mas lalo siyang kinabahan dahil Mommy pala ni Damon ito. Bigla siyang nanlamig kung paano siya magpapakilala.
"Finally, Son! You're back. Dumalaw ako dahil ang tagal mo nang hindi umuuwi." sabi nito at lumapit sa kanila. Dumako ang tingin nito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin. Bigla ay nailang siya sa klase ng tingin nito. May pagkadisgusto ang binibigay nitong tingin sa kanya. "Who's this lady?" malamig nitong tanong.
"She's Venice, my girlfriend." tugon ni Damon.
Ngumiti siya at naglahad ng kamay. "Ako po si Venice Santillan, Tita."
"Sinabi na niya, ayoko ng inuulit-ulit." mataray nitong sabi.
"Sorry po." mahina niyang paumanhin at nagbaba ng tingin dahil sa pagkapahiya.
"Mom!" malamig na suway ni Damon at inakbayan siya. "Don't talk to her like that." sabi pa nito.
"Sorry, Son." bigla hinging paumanhin ng ginang tila ayaw nito na nagagalit ang anak. "By the way, pinalinis ko ang bahay mo. Mayroon akong kakilala na kailangan muna ng matutuluyan. Actually ngayon ang dating niya. Gusto ko sana na patuluyin mo muna, anak." sabi pa nito.
"No. Hindi n'yo bahay ito para mag desisyon. Maraming hotel d'yan, doon n'yo patuluyin." galit na sabi ni Damon.
"But, Son, please, kahit sandali lang. And don't worry, ako naman ang kasama niya dito. Kaya pagbigyan muna ako." pakiusap ng Mommy ni Damon.
Humawak siya sa braso ni Damon na kinatingin nito.
"Sige na. Baka malayo pa ang byahe at kailangan lang talaga ng Mom mo." siya na ang nakiusap kay Damon. Huminga ito ng malalim at humarap sa Mommy nito.
"Okay, pero ayoko ng pakalat-kalat sa buong mansyon ang bisita n'yo." pagpapayag nito na kinangiti ni Venice.
Tumingin si Venice sa Mom ni Damon at nginitian ito, pero hindi nito sinuklian ang ngiti niya at kay Damon lang ito tumingin.
"Salamat, Anak. At tiyak ko na kilala mo ang bisita ko. Baka matuwa ka pa." nakangiting sabi ng ginang kay Damon at tumingin sa kanya tila may pinapahiwatig ito.
Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinabahan. Pero ngumiti na lang siya at hindi na pinansin ang pinapahiwatig ng ginang.
"Madam, luto na po ang pinahahanda n'yong pagkain." bigla singit ng kasambahay.
"Oh! Ganoon ba.." sagot ng ginang at humarap kay Damon. "Halika, Anak. Kumain ka muna bago magpahinga." nakangiting aya nito.
Tanging si Damon lang ang inaya nito at hindi man lang siya dinapuan ng tingin o tanungin din kung kumain na. Alam na niya na hindi na siya agad gusto nito na kinalungkot niya, pero hindi siya susuko. Tiyak na sa umpisa lang 'yon at 'pag nakilala na siya ay baka magustuhan na siya.
"Babe, halika, kumain ka muna bago ka magpahinga." pukaw sa kanya ni Damon. Napatalon pa siya sa gulat dahil sa pagkabigla. Tumango na lang siya dahil ramdam niya ang sama ng tingin ng Mama ni Damon. Unang tumalikod ang Mom ni Damon para magtungo ng dinning area, kaya nakahinga siya ng maluwag.
Tumingin siya kay Damon na nagtataka nakatingin sa kanya.
"Grabe, nakakatakot ang Mom mo." mahina niyang sabi.
Humalakhak si Damon at iling-iling na inakay na lang siya. Napanguso siya dahil wala naman nakakatawa sa sinabi niya.
Pagdating sa lamesa ay tumingin si Venice sa pagkain. Parang nag-twinkle ang mata niya ng makita ang ulam na adobo sa hapag. Pero hindi muna siya kumuha dahil nakakahiya sa mother ni Damon.
Napansin naman ni Damon na tila nahihiya pang kumuha ng pagkain ang nobya niya kaya napangiti siya. Halata sa mukha nito na natatakam ito sa adobo. Pinagsandok na lang niya ito para makakain na ito.
"Ahem! Son, kailan mo ba balak na umuwi sa atin? Hinahanap ka ng lola at lolo mo." bigla singit ng kanya ina.
Nang makitang ayos na ang paglagay niya sa plato ni Venice ay binalingan niya ang Mom niya.
"Hindi ko pa alam. Marami pa ako naiwan trabaho sa opisina." tugon niya. Sumandok siya ng kaunti at sumubo.
"Pero kailan naman? Ilang taon ka nang hindi umuuwi. Hindi ka man lang nakakadalo sa mga pagtitipon ng pamilya." ani nito.
"Marami nga akong ginagawa hindi n'yo ba maintindihan? Uuwi ako kung kailan ko gusto." tumaas na ang boses niya dahil sa pagpilit nito.
Oo, mahigit dalawang taon na siyang hindi umuuwi. Simula 'yon ng magkasintahan na sila ni Venice. Ayaw niya naman umuwi 'pag hindi kasama ang dalaga. Hindi naman ito makakasama 'pag may pictorial ito. Kaya hanggang hindi nito natatapos ang pagmo-modelo, hindi muna siya uuwi.
Nagulat naman si Venice sa biglang pagtaas ng boses ni Damon. Humawak siya sa braso nito para pakalmahin.
"Damon, 'wag mong sigawan ang Mom mo. Tinatanong ka lang niya." mahinahon niyang sabi.
Humugot naman ito ng malalim at tumango.
"Sorry, Mom. Huwag n'yo na lang ako pilitin." sabi ni Damon.
"Okay, anak. Pasensya na. Sige, kumain ka na." sabi ng Mom nito.
Pinagpatuloy na nila ang pagkain ng makarinig siya ng tunog ng takong ng sapatos. Nakita niya ang pagtayo ng Mom ni Damon at nakatingin sa bungad ng dinning area.
"Welcome back, Celine hija!" nakangiti bati ng Mom ni Damon. Napansin niya ang paghinto ni Damon sa pagkain kaya napatingin siya rito. Para itong natuod ng marinig ang pangalan ni Celine.
Tumingin siya doon kay celine. Isang maganda babae ang bumungad sa kanya. Suot nito ang floral na dress na white. Habang kulot sa dulo ang mahaba nitong buhok na kasing haba siguro ng buhok niya. Maputi din ito at may sopistikadang gumalaw.
Ngumiti ito at lumapit sa Mom ni Damon. Nakipagbeso-beso ito sa Mom ni Damon. Bigla ay para siyang nanliit. Halata ang pagkagusto ng Mom ni Damon sa babae.
Tumingin ito kay Damon na tumayo habang may seryosong mukha na mababakas.
"What's the meaning of this, Mom?" mariing tanong ni Damon.
"Son, siya 'yung sinasabi kong bisita na makikituloy muna. Saka magkakilala naman kayo ni Celine, 'di ba?" nakangiting sabi ng Mom nito at lumingon saglit kay Celine na nakangiti.
"Kumusta ka na, Damon? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, e, parang ayaw mo pa akong nandito." nakangiting sabi nito at lumapit kay Damon.
Nabigla siya ng humalik ito sa pisngi ni Damon kaya nabitawan niya ang hawak na kutsara't tinidor. Napatingin ang mga ito sa kanya kaya agad niyang pinulot, pero nabigla siya ng agawin ito ni Damon.
"Marumi na ito. Palitan na natin," sabi nito, "Manang, pakidalhan ako ng pares na kubyertos." utos nito sa kasambahay pagkaraan ay naupo ito sa tabi niya.
Dumating din naman agad ang kasambahay at kinuha ni Damon ang kubyertos.
"Kumain ka na. Lalamig na ang pagkain mo." masuyong sabi nito.
Tumango siya kahit nawalan na siya ng gana.
"Wow! Tita, ang sarap naman nito. Puro favorite kong food ito." biglang salita ni Celine at naupo sa tabi ni Damon.
"Syempre niluto ko 'yan para sa inyo ni Damon. Alam kong pareho n'yong gusto ang inihanda ko." nakangiting sabi ng Mom ni Damon. "Ising, paglagyan mo nga ng plato si Celine." baling nito sa kasambahay.
"Wait, Damon. 'Di ba favorite mo itong hipon? Tikman mo ito." sabi muli ni Celine at nilagyan ang plato ni Damon.
"Thanks." tugon ni Damon..
Kahit na gusto niyang ipokus ang mata sa pagkain ay hindi niya mapigilan na mapadako kay Celine. Pinaghihimay nito si Damon ng hipon. Para bang matagal na nilang ginagawa iyon sa isa't-isa. Habang si Damon ay nakatingin lang sa ginagawa ni Celine.
Humawak siya sa kamay ni Damon kaya napalingon ito mula sa pagtingin kay Celine.
"Rest room lang ako." paalam niya at agad itong tumango.
"Sige, bilisan mo. Baka lumamig ang pagkain mo." sabi nito kaya tumango siya.
Tumingin siya sa Mom ni Damon at nag-excuse..
Pag-alis doon ay napasandal siya sa pader ng living room at humawak sa dibdib. Hindi niya alam pero para siyang kinabahan. Nagseselos din siya dahil hindi niya alam na hipon ang paborito ni Damon. Hindi niya natanong kay Damon 'yon.
Ngayon ay iniisip niya ang sinabi ni Erika, ang video na litratong nakita niya na kasama si Celine, at ang pag-iba ng mood ni Damon ng makita ang larawan na muntik pang maging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan nito.
At napansin din niya ang medyo pagkakahawig niya at ni Celine. Ito ba 'yun sinasabi ni Erika na may similarities sila ni Celine?
Umiling-iling siya at naisip na mag banyo na lang. Mayroon naman banyo sa baba kaya doon na siya gumamit. Pagkatapos gumamit ay lumabas na siya ngunit paglabas niya ay nabigla pa siya ng bumungad ang Mom ni Damon.
"Kayo po pala, Tita." nakangiti niyang sabi kahit nagulat siya.
"Don't call me Tita. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan sa anak ko." sabi nito na kinawala ng ngiti niya. "Nalaman ko na isa ka lang modelo at walang maski pamilya na may negosyo man lang. Ulila ka at kaya sa anak ko ikaw kumakapit." mapanghusga nitong sabi.
"Hindi po totoo 'yan--"
"Oh, talaga? I bet ang anak ko ang laging sumasagot sa kailangan mo? Pinapasyal ka pa sa mamahaling lugar. What a gold digger." mahanghang nitong sabi na kinaiyak niya.
"Hindi po ako gano'n. Kahit na wala na ang magulang ko, hindi nila ako pinalaki na mukhang pera. Hindi ko rin naman po gusto na gastusan ako ng anak n'yo--" pinutol muli nito ang sasabihin niya.
"Hindi mo ako madadaan sa iyak, hija. Maniwala akong hindi ka tuwang-tuwa 'pag nakakakita ka nang bago sa paningin mo. Alam mo, hindi kita gusto para sa anak ko. Si Celine ang nararapat sa anak ko. Bata palang ay gusto na nila ang isa't-isa. Kung hindi lang nangibang bansa si Celine ay baka si Celine ang girlfriend ng anak ko ngayon." mahabang lintaya nito. Pinahid niya ang luha at tinatagan ang loob.
"Kung gano'n po... Hintayin n'yo na lang po na mag-break kami ni Damon at maging sila ni Celine." sabi niya. Ayaw niya na sagutin ang Mom ni Damon pero kasi nakakababa na pagkatao niya ang mga sinasabi nito.
"Walang modo! Talaga pa lang tama ang pakiramdam ko sa 'yo. Akala mo papayag ako na mapunta sa 'yo ang anak ko? Hindi. Dahil ngayon na nandito na si Celine, tiyak na madali nang mahulog ang loob nila sa isa't-isa. Hanggang sa iwanan ka ni Damon sa pinaglalagyan mong putikan." galit nitong sabi at pinasadahan muna siya ng tingin bago iwan.
Walang ingay siyang humagulgol habang walang patid sa pagpahid ng luha. Nasaktan at natakot siya sa banta ng Mom ni Damon. Paano nga kung may gusto pala dati si Damon kay Celine? Tapos hiwalayan siya nito? Baka hindi niya kayanin. Pero siya na ang inaya nitong magpakasal kaya sure siya na hindi siya nito ipagpapalit.
Mahal na mahal niya si Damon at alam niya ganoon din ito, kaya dapat hindi siya makinig sa masamang sasabihin ng iba para masira ang relasyon nila.
Nagpahid siya ng luha at pinakalma muna ang sarili. Nang masabi sa sarili ayos na siya ay humakbang na siya pabalik. Pero napahinto din siya ng mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon niya at tinignan kung sino ang tumawag. Si Gret. Nakalimutan niya sabihan ito na nakauwi na siya.
Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Gret?" Bati niya.
"Oh, Venice. Bakit ganyan ang boses mo? Umiyak ka ba?" nag-aalala nitong tanong. Napangiti naman siya dahil talagang kabisadong-kabisado siya nito.
"Wala, may nangyari lang. Oo nga pala, nakauwi na kami." sabi niya.
"Gano'n ba. Anong desisyon mo about sa ino-offer sa 'yo? Oo nga pala, narito ngayon ang isa sa may-ari ng magazine na gusto kang kunin. Gusto ka daw nilang makita at makausap ngayon na." sabi nito.
"Talaga? Pero.." Saglit na napahinto si Venice, "Sige papunta na ako. Magpapaalam na lang ako kay Damon." sabi niya rito.
"O, sige. Sabihin ko na hintayin ka lang saglit. Mag-retouch ka lukaret. Baka bigla mag-back out ang mga ito 'pag nakita ang mapula mong mata." payo nito na kinatawa niya.
"Sige, sige. Bye." paalam niya at binaba na ang tawag.
"Hey, babe. Ang tagal mo naman?" tawag ni Damon sa kanya kaya humarap siya rito. "Umiyak ka ba? Bakit mapula ang mata mo?" sabi pa nito ng mapansin ang pag-iyak niya.
"Hindi. Nagsabon kasi ako at tumalsik sa mata ko ang bula, kaya 'yan." pagkakaila niya. Tumango naman ito at hinawakan ang mukha niya. Hinipan nito ang mata niya na kinatawa niya. Pinalo niya ito sa dibdib na kinahalakhak nito. "Ano ka ba! Hindi naman maaalis ng hipan lang." natatawa niyang sabi. Lalo siyang natawa ng halikan nito ang mata niya magkabilaan. Tinulak niya ito para pigilan ito pero hinuli lang nito ang baywang niya at kiniliti siya na kinatili niya.
"Ano, hindi pa ba tatalab?" pilyong tanong nito habang patuloy sa pagkiliti sa kanya.
"Tama na! Ayoko na!" nagtitili niyang sabi rito at napaupo na siya sa sahig. Sinipa niya ito pero nakaiwas ito.
Hinihingal siya ng bitawan na siya nito. Tinayo siya nito at niyakap, kaya yumakap siya sa baywang nito.
"I love you, babe." sabi nito na kinangiti niya.
"I love you, too, Damon ko." tugon niya.
Humiwalay ito ng konti at tumingin sa kanya, kaya tumingala siya. Hinalikan siya nito ng smack lang.
"Sarap." sabi nito kaya pinalo niya ng mahina ang likod nito.
"Sira!" sabi niya pero nangingiti siya.
"Tara, balik na tayo. Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo." aya nito.
Napabitaw siya ng yakap rito ng may maalala siya. Naguguluhan na tinignan siya nito.
"Oo nga pala, Damon. Magpapaalam pala ako." sabi niya na kinasalubong ng kilay ni Damon.
"What?" tumaas ang boses nito tila na misinterpret ang sinabi niya.
"Ano ka ba! Mali naman ang iniisip mo. Magpapaalam sana ako dahil mawawala lang ako ng ilang araw. May kumuha kasi sa akin na sikat na magazine company para maging model at cover. Sa ibang bansa ang pictorial." paliwanag niya.
"Okay." agad na pagpayag nito na kinalaki ng mata niya.
"Pumapayag ka? Talaga?" hindi makapaniwala niyang tanong rito.
"Yes. Alam kong pangarap mo maging cover girl sa isang high fashion magazine, kaya hahayaan kitang maabot 'yon. Narito lang ako para suportahan ka." sabi nito na kinataba ng puso niya. Niyakap niya ito dahil ang swerte-swerte niya at nakatagpo siya ng kagaya ni Damon.
"Thank you, Damon ko. Kinikilig tuloy ako." tuwang-tuwang sabi niya. Humalakhak ito at hinaplos ang ulo niya.
"You're welcome, babe." sabi nito.
Bumitaw siya ng yakap dito at tumingin muli dito.
"Aalis na nga pala ako ngayon. Nandoon daw kasi sa office ni Gret 'yung isa sa producer. " sabi niya rito.
"Okay. Samahan na kita." sabi nito.
"Huh? Pero may bisita ka pa." pigil niya rito.
"It's Mom's visitor, not mine. At tutungo din ako sa office ko para bisitahin ang company." sabi nito kaya tumango siya sa sinabi nito. Pero may parte sa kanya na masaya at tila wala itong pakialam kay Celine. Nakahinga na siya ng maluwag sa kaalamang 'yon.
"Magpaalam muna tayo sa Mom mo." sabi niya rito.
"Huwag na. Hayaan mo na lang sila doon." pigil nito sa kanya at inakbayan na siya palabas. Wala siyang nagawa kundi magpatangay.
NAKABABA NA SI Venice sa kotse ni Damon. Habang tanaw ni Damon ang nobya na pumasok na sa building kung saan ito nagtatrabaho.
Alam niya na hindi ito makapaniwala na pinayagan niya ito. Hindi naman siya mangangamba, dahil kahit saan ito magpunta ay titiyakin niyang may matang nakasunod dito.
Umalis na siya para magtungo sa opisina niya. Kailangan niyang tapusin ang mga naiwan niya.
Nag-ring ang cellphone niya kaya tinignan niya kung sino ang tumatawag. Ang Mom niya. Hindi na niya sinagot dahil magtatanong lang ito ng magtatanong.
Nakaramdam din siya ng inis dito dahil ramdam niya na hindi nito gusto si Venice. Wala naman siyang pakialam kung hindi nito gusto ang nobya niya, pero 'wag lang nito babastusin si Venice dahil kahit ina niya ito ay hindi niya hahayaan ito. Hindi puwede sa kanya ang gano'n..
Ang gusto niya ang laging dapat na nasusunod. Walang pwedeng kumontra sa kanya, lalo na 'pag si Venice ang involve.
Hindi niya alam kung anong gusto mangyari ng Mom niya at talagang si Celine pa ang gusto nito ipatira sa bahay niya. Kung gusto ng mga ito masira ang relasyon nila ni Venice, hindi niya papahintulutan na mangyari 'yon.
Kamatayan ang ipapalit niya sa susubok na sirain sila. Handa siyang pumatay para kay Venice.