KABANATA 3

2902 Words
MATAAS NA ANG araw ng makarating sila sa boracay na gustong puntahan ni Damon. Naka-ripped jeans siya habang si Damon ay naka-board short. Ang pang-itaas naman nila ay couple shirt na white na may nakalagay na 'He's Mine & She's mine'. Pinagawa nila 'yon ng mag-celebrate sila ng second anniversary. Nakahawak sa baywang niya si Damon habang tinutungo nila ang reserved room na para sa kanila. Binubusog niya ang mga mata sa ganda ng dagat at maputing buhangin na kanilang tinatapakan. Marami rin mga turista na dumayo upang maranasan ang ganda ng boracay. Actually, first time niya makapunta sa boracay. Kung hindi dahil kay Damon ay baka hindi pa siya makakarating ng boracay. "This way, Sir, Ma'am." turo ng isang empleyado ng boracay hotel. Ito ang sumalubong sa kanila pag-apak pa lang nila sa entrance. Dinala sila nito sa isang malaking room ng hotel. Nililibot nya ang mata sa buong kwarto habang si Damon ang nagpapasok ng maleta nilang dala. Lumapit siya sa bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Napangiti sya dahil kitang-kita ang dagat sa pwesto ng kwarto nila. Napaidtad siya ng yumakap sa kanya si Damon. Sumandal siya sa dibdib nito dahil matangkad ito at hanggang dibdib lang siya. Tumingin siyang muli sa tanawin. "Do you like here?" tanong nito. "Oo naman. Grabe, ang ganda pala talaga dito." natutuwa niyang tugon. Humalakhak naman ito kaya lalo siyang napangiti. Bumitaw siya rito na kinataka nito. "Tara! Gusto ko nang maligo." aya niya at hinawakan ang mahaba at malaking kamay nito. "It's to early, babe. Dito na lang muna tayo." sabi nito "Ano ka ba! Nagpunta pa tayo dito kung sa kwarto lang pala tayo. Tsaka maganda ngayon maligo, ayos lang ang init ng araw, kaya magpapalit na ako." Agad siyang lumapit sa maleta niya para kunin ang bikini at top niya. Nang mahanap na niya ay 'yung maleta naman ni Damon ang binuksan niya. Kumuha siya ng sando at board short nito. Tumingin siya rito na naupo sa kama habang pinagmamasdan ang kinuha niya. "Damon ko, suot muna ito dali." na-e-excite niyang sabi. Napapailing at napapangiti na kinuha nito ang pinasusuot niya. Tumayo na ito at nagtungo ng banyo, habang siya ay dali-dali ding nagpalit. Pagkatapos nilang magbihis ay lumabas na sila. Nakaakbay sa kanya si Damon habang siya ay nakahawak sa baywang nito. Nakatsinelas sila kaya nararamdaman niya ang init ng buhangin sa paa niya. Nahiga si Damon sa sun-lounger at tinaas ang isang braso nito, kaya nag-reflex ang muscle nito sa braso at kita din niya ang maputing kili-kili nito na may kaunting buhok. "Babe, come here. Mamaya na tayo mag-swimming." sabi nito at tinaas ang shade nito para tignan siya. "Sige, mahiga ka na lang d'yan. Dito lang ako." nasabi na lang niya, habang nakatayo na tinignan ang dagat. Sabi lang niya 'yon, pero hihintayin niya talaga na makatulog ito para makapag-swimming siya. Kahit kasi sinabi nito magsi-swimming sila ay hindi naman nangyayari. Ayaw pa nito na nagbibikini siya, kaya tuloy hindi niya na-e-enjoy ang beach. Naupo siya sa gilid nito at napatingin siya sa isang lalake na nag-served ng fruit shake sa lamesa na nasa gilid niya. Nagpasalamat siya rito at kinuha ang in-order nila. Habang humihigop ng shake ay panaka-naka siyang tumitingin kay Damon na bumibigat na ang paghinga. Alam niya inaantok pa ito, dahil hindi naman ito nakatulog masyado sa eroplano. Habang siya ay mahaba ang naging tulog niya. Nang mapansin niya na tulog na tulog na ito ay agad niyang binaba ang shake. Dahan-dahan siyang tumayo at hinubad ang top niya, kaya white bikini na lang ang suot niya. Tinali niya ang buhok niya habang lumalakad siya patungo sa pangpang. Hinubad niya rin ang tsinelas at shade sa buhangin malapit lang sa hinihigaan ni Damon. Nag-unat muna siya at tumingin sa taas habang nakapikit ang mga mata. Dinama niya muna ang sarap ng hangin tumatama sa kanya, pagkaraan ay lumusong na siya sa dagat. Napangiti siya sa lamig ng tubig at mapinong buhangin na naaapakan niya. Kitang-kita niya ang mga binti at paa niya dahil sa linaw ng tubig ng dagat. Asul na asul at walang makikitang dumi sa tubig. Sumisid na siya at lumangoy.. Nasa mababaw lang siya at naisipan niya na lumangoy sa medyo malalim. SA KABILANG BANDA ay naalimpungatan si Damon. Lumingon siya sa tabi niya para tignan si Venice. Tinanggal niya ang shades na suot ng mapansin na wala ang nobya niya sa tabi. Napaupo siya at tumingin sa paligid. Hindi niya makita ito kaya agad siyang tumayo. Napatingin siya sa naapakan niya at nakita niya ang tsinelas at shades nito. Tumingin siya sa dagat at napatiim-bagang sa pasaway na nobya. Dali-dali niyang hinubad ang sando at tinakbo ang dagat. "Damn! Napakatigas talaga ng ulo." nasabi na lang niya at lumusong din sa dagat. Habang lumulusong siya ay may alaala na bumabalik sa isipan niya. Bumilis ang t***k ng puso niya sa kaba na baka mangyari din sa nobya niya ang nangyari sa alaala niya. Sumisid siya at nakita na niya ito. KASABAY NG PAG-AHON ni Venice mula sa pagsisid ay may malaki katawan na yumakap sa kanya. "f**k Celine! Napakakulit mo." sabi ni Damon na tila kinabingi niya. Tama ba ang sabi nito? Celine? Sinong celine? Tinanggal niya ang braso nito nakayakap sa kanya at hinarap ito. "Sinong Celine?" seryoso niyang tanong. Para naman napamaang ito habang nakakunot ang noo. "W-What?" nalilito nitong sabi. "Sino ka ko si Celine?" ulit niyang tanong. "What? Sinong Celine ba ang sinasabi mo?" maang-maang pa nito. "Oh, kung gano'n, bakit mo ako tinawag na Celine?" seryoso pa rin niyang tanong. "Wala akong sinabing Celine. Napakatigas kasi ng ulo mo. 'Yan! Nabibingi ka tuloy." natatawa pa nitong sabi at humawak sa baywang niya. Pinalo niya ito sa dibdib dahil pinagloloko na naman siya nito. "Sinong bingi? Hindi, ah! Alam ko Celine ang dinig ko." pagpipilit niya. "Tsk. Umahon na tayo, gutom lang 'yan. At ikaw, may kasalanan ka pa." sabi nito habang palakad silang lumalapit sa pangpang. Hinihingal na napaupo siya sa buhangin habang tinatayo siya ni Damon. Natatawang nagpatayo siya rito. "Piggy back mo ako, Damon ko.." panglalambing niya. "Wait!" sabi nito at kinuha ang damit niya sa upuan, "wear your top first." utos nito. Ngumiti siya at kinuha iyon. Sinuot niya at binutones 'yon. Sinuot din nito ang sandong hinubad nito. Tinaas niya ang kamay para mapabuhat na dito. Napangiti ito at lumuhod paupo patalikod sa kanya. Niyakap niya ang mga kamay sa leeg nito habang hinawakan siya nito sa legs niya. Napakapit pa siya rito ng tumayo na ito. Hindi niya akalain na napakatangkad talaga nito. Matangkad siya pero mas hamak na matangkad ito. Pwede na nga ito mag-basketball sa tangkad nito. Napangiti siya ng makitang napapatingin sa kanila ang mga tao sa beach. Lalo na 'yung mga girls na kinikilig at alam niya na inggit na inggit sa kanya. Sinandal niya ang baba sa balikat nito at tinignan ang seryoso nitong mukha. Kahit na sinabi nito nagkakamali lang siya sa kanyang nadinig, alam niya sa sarili niya na tama ang pagkakarinig niya.. Sino si Celine? At bakit siya nito tinawag na Celine? "Babe, we're here." pukaw nito sa kanya, kaya agad siyang napatingin sa harap. At tama nga! Nasa isang restaurant na sila. Sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na naroon na pala sila. Tinapik niya ang balikat nito para ibaba siya. Bumaba ito ng kaunti kaya bumaba na siya. Inayos niya ang top niya at tumingin sa restaurant. "Let's go! Pumasok na tayo." aya nito at humawak sa baywang niya. Tumango siya at nagpatangay na rito. Pagpasok nila sa pinto ay ang dami agad na napapatingin sa kanila-o mas tamang sabihin kay Damon. Nakita niya kasi ang paghanga ng mga babae sa boyfriend niya. Mga naka-sexy outfit din ang mga suot ng ibang girls na alam niya na nakakapukaw ng tingin ng kalalakihan. Tumingin siya kay Damon na hindi ata napapansin ang binibigay na tingin ng mga kababaihan. Nililibot lang nito ang paningin sa buong restaurant tila naghahanap ng bakanteng table. "Good morning Sir, Ma'am. Welcome to safari restaurant. Table for what?" bigla bungad ng waitres. "Table for two, please," sagot ni Damon na kinatango ng waitres. "This way, Sir, Ma'am." sabi ng waitres. Inaya siya ni Damon at pinauna siyang maglakad. Nang makarating sa lamesang nasa gitna ay agad siyang pinaghila ng upuan ni Damon. "Thanks." sabi niya pagkaupo niya. Naupo na din ito at kinuha ang menu na inabot ng waitres. Kinuha din niya ang menu at tumingin ng pagkain. Puro italian, japanese, spanish at mayroon din na ilang filipino food. Natakam siya sa seafood paella kaya 'yon ang in-order niya. Tapos si Damon ay beef steak ang in-order. "Damon, may dala ka bang cam or cellphone?" tanong niya pagkaalis ng waitres. Kumunot naman ang noo nito. "Why?" takang tanong nito, pero kinuha din naman ang cellphone nito sa bulsa ng short nito. "Basta." nakangiti niyang sabi at kinuha ang cellphone nito. Lalo siyang napangiti na walang password ang cellphone nito. It means.. wala itong tinatago sa kanya. Binuksan niya ang camera ng cellphone nito at tinaas niya. "Damon ko, lumapit ka ng kaunti para naman makita ka." aniya. "Tsk. I don't like it." tanggi nito. "Ang KJ mo naman." komento niya. Ibaba na sana niya ang cellphone nito at maglulungkotlungkutan siya ng agawin nito 'yon at ito na ang humawak ng ikinangiti niya. Lumapit siya sa mukha ni Damon at ngumiti. At sa next photo ay kiniss niya ito sa pisngi na kinangiti nito. Kinuha niya rito ang cellphone para tignan ang kuha nila. Napangiti siya lalo dahil ang ganda ng kuha nila. In-exit niya ang camera at binuksan ang gallery nito. "Look who's here!" napaangat siya ng tingin nang may magsalita. Nakita niya ang isang babae at isang lalake. Hindi niya kilala ang mga ito pero tiyak si Damon kilala ito, dahil kay Damon nakatingin ang mga ito. Tingin niya ay mag-jowa ang mga ito, base pa lang sa pagkakahawak ng guy sa babae. "Damon, ikaw pala 'yan! Kumusta ka na?" tanong ng lalake na nakipagbanggaan ng kamao kay Damon. "I'm okay. Kayo, kumusta? Nagkatuluyan na ba?" nakangiting tanong ni Damon. Pinanonood niya lamang ang mga ito dahil hindi naman niya kilala. "Yes.. Alam mo naman dati n'yo pa kami pinagpapares. Kayo pa ni Celine ang gumawa ng paraan para manligaw itong si Peter na torpe sa akin." natatawang sabi nung girl. Nagbaba siya ng tingin dahil sa binanggit nito. Celine? Sino ba talaga ito? Base sa pagkwekwento ng babae ay matagal na nito kakilala si Damon. At tila maganda ang pinagsamahan ng mga ito, lalo si Damon at 'yung celine na kanina pa niya naririnig. "Huwag na natin pag-usapan ang nakaraan. Mabuti pa ay kumuha na lang tayo ng ibang table at sumabay na kayo sa amin." sabi nung boyfriend nung babae. Halata na tinitigil sa pagkukwento ang girlfriend nito. Napaangat siya ng tingin ng may humawak sa kamay niya nakapatong sa table. "Its okay to you, babe?" nag-aalalang tanong ni damon. Ngumiti siya at tumango rito. Tumayo ito at inakay siya.. Ramdam niya ang awkward sa side niya at sa mag-jowa, lalo na nang mapansin niya na nagkatinginan ang mga ito. Lumapit sila sa table na pang-apatan at pinahila siya muli ni Damon. Naupo na sa tabi niya si Damon at ganoon din ang mag-jowa sa kabilang upuan kaya nakaharap sila ni Damon sa dalawa. Dumating na ang order nila habang ang mag-jowa ay umo-order pa lang. Kaya naisipan nila hintayin na din ang order ng mga ito dahil nakakailang naman kung sila ay kumakain na habang ang dalawa ay hindi pa. "Damon, rest room lang ako." bulong niyang sabi kay Damon. Tumango ito kaya tumayo siya. Nag-excuse din siya sa dalawa. Pagpasok niya sa banyo ng restaurant ay agad siyang pumasok ng cubicle. Actually, naiihi talaga siya dahil nilalamig siya at medyo basa pa kasi ang bikini nya, pero habang nasa loob ng cubicle ay hindi niya mapigilan mag-isip. Iniisip niya na baka may nakaraan si Damon at 'yung Celine. Wala kasi siyang alam sa nakaraan ni Damon. Ni hindi ito nagkwekwento about sa mga past relationship nito. Lagi nitong sinasabi na hindi daw mahalaga ang past, dahil mas mahalaga daw ang future. Kung dati ay kinikilig pa siya pero ngayon na biglang susulpot ang pangalan na Celine na hindi naman niya kakilala ay parang may kaba at takot siyang naramdaman. Baka kasi may unfinished relationship si Damon kay Celine. Baka mamaya ay magkabalikan at ma-echapwera siya. Nakikita na niya ang scene na magtatagpo ang mga mata ni Damon at Celine sa isang hindi inaasahang lugar. Tapos nagde-date pala sila no'n ni Damon. Nasaktan siya dahil 'yun pala may feelings pa rin si Damon kay Celine. Iniwan siya ni Damon at nakalimutan nito na siya girlfriend nito. Tapos iiyak siya at bibili na naman ng kape. Pinilig niya ang ulo para mawala 'yon sa isip niya. Inayos niya muna ang sarili at pinindot ang flush ng banyo. Lumabas siya para maghugas ng kamay. Natuwa siya at mayroong liquid soap na mabango. Pagkatapos niyang maghugas ay kumuha siya ng tissue at nagpunas ng kamay. Inayos niya muna ang pagkakaipit niya dahil magulo pala.. Habang inaayos niya ang buhok ay pumasok ang babaeng kakilala ni Damon. May dala itong pouch at tumabi ng konti sa kanya at humarap din sa salamin. "So, ikaw pala ang new girlfriend ni Damon?" sabi nito habang nagpapahid ng lipstick. "Ako nga! At hindi niya ako new, dahil matagal na kami magkarelasyon." sagot niya at tinalian ang buhok na pa-messy buns. "Oh, sorry! Akala ko ay hindi pa nakaka-move on si Damon." may mysterious effect pa nitong sabi sa kanya. "What do you mean? M-may relasyon ba dati si Celine at Damon?" Kahit na tila may hinala na siya ay naglakas loob siya na magtanong. Dahil kahit gusto niyang burahin sa isip niya ay hindi niya makalimutan ang pagtawag sa kanya ni Damon na Celine. At base sa sinabi nitong babae ay may alam ito. "Bakit mo sa akin tinatanong? Hindi man lang ba nagkwento si Damon sa 'yo? Naku, pinaglilihiman ka ng boyfriend mo." mapang-asar nitong sabi. "Hindi. Kilala ko si Damon. Hindi niya lang gustong magkwento pa sa past niya, dahil mas mahalaga ang future-at ako 'yon." "Hahaha! You're so funny." natatawa nitong sabi at binaba na ang lipstick. "Tingin ko ay hindi mo pa talaga kilala si Damon." sabi nito at humarap sa kanya. "Maraming sekreto si Damon na tingin ko ay wala kang alam. I'm his friend since high school days, at ako ang isa sa nakakakilala kung sino nga ba talaga si Damon." seryoso nitong sabi. "Actually you and Celine has similarities. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ka naging girlfriend ni Damon." Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Para bang sinasabi nito na kaya siya nagustuhan ni Damon ay dahil magkahalintulad sila ni Celine."By the way, I'm Erika. This week, tiyak na makikita mo ang pagkakatulad n'yo ni Celine at pinagkaiba n'yo. Hindi ko gustong maging harsh sa 'yo, pero ayoko na wala kang alam. Sige, mauna na ako." sabi nito at tinalikuran na siya. Kumapit siya sa lababo at napaangat ng tingin sa salamin. Nakita niya ang pagtulo ng luha niya na hindi niya malaman kung para saan. Natatakot siya at baka totoo ang lahat ng sinabi nito. Alam niya na hindi ito gumagawa ng kwento. Kakakilala pa lamang nila kaya bakit ito mag-iimbento ng kwento? Kumuha siya ng tissue at tinuyo ang luha niya. Nang wala nang bakas na umiyak siya ay lumabas na siya ng banyo. Tinungo niya ang table nila at nakita niya ang pag-angat ng tingin ni Erika at ngumiti sa kanya. Naupo siya at sa pagkain na lang siya tumingin. Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay ni Damon sa hita niya. Kaya napatingin siya sa mukha nitong may pag-aalala. "Ayos ka lang?" bulong nito malapit sa tainga niya. Napatingin siya kay Erika na napaubo. "Ayos lang ako. Nagugutom na ako." sabi niya. Kinuha nito ang in-order niyang paella at pinaglagay siya sa plato niya. Paglagay na paglagay pa lang nito sa plato niya ay agad na niyang nilantakan. Lahat ng inis niya sa sinabi ni Erika ay doon niya binuhos. Sunod-sunod na paglamon tila hinahabol ng kabayo. "God. Ganyan ba talaga kumain ang girlfriend mo, Damon?" dinig niyang sabi ni Erika. Humalakhak si Damon at hinimas ang likod niya. "Yeah. Lalo kapag naiinis." natatawang sabi ni Damon. "Ano ba 'yan.. Wala man lang kahihiyan sa pagkain." komento muli ni Erika na hindi na niya pinansin pa. Paki niya! E, sa gutom siya. "That's why, I love her." sabi ni Damon na kinasamid niya. "Hahaha! Pre, 'wag mo kasing biglain, nabulunan tuloy." komento nung boyfriend ni Erika. Agad siyang uminom ng juice dahil nabulunan siya sa katakawan niya. Tumingin siya kay Erika na sinasaway ang boyfriend nito. "Ewan ko bakit nabibigla pa. Lagi ko naman sinasabi 'yon sa kanya." palihim niyang kinurot ang tiyan ni Damon na kinahalakhak nito, tila hindi man lang nasaktan sa pagkurot niya. Sabagay, ang tigas kasi ng tiyan nito kaya wala siyang makurot na taba. Tingin niya ay namumula na siya sa pagiging bulgar nito. Pero ang totoo mas nakatulong 'yon dahil nawala ng kaunti ang bigat na nararamdaman niya. Bahala na! Hangga't wala namang ginagawa si Damon, hindi niya pag-iisipan ito ng masama na ikakasira ng relasyon nila. At panghahawakan niya ang sinabi nito na mahal siya nito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD