Gulat ang mababakas sa mukha ni Venice ng malaman na sa mansyon sila patungo. Napabaling ang tingin niya kay Damon na pinatay na ang makina ng sasakyan. "B-Bakit tayo narito?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kanya habang inaalis ang seatbelt nito. "Mamaya ko ipapaliwanag sa 'yo, please, sumama ka sa akin." pakiusap nito. Tumingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang nangungusap nitong mga mata. Tumango siya dahil wala na rin naman siyang magagawa dahil narito na sila. Bumaba ito at umikot. Pinagbuksan siya nito at inalalayan na bumaba. Mabuti at nakapagpalit muna siya ng damit niya bago sila umalis sa kubo ng matanda. Pagbaba niya ay nilibot niya ang paningin at napansin niya na maraming nagbago. Ang isang pinagtatakahan niya kung bakit may mga laruan ng bata sa garden ng bahay ni

