“Amore…”
Napalingon si Thalia sa tinig ng kanyang asawa. Nakasuot na ito ng sleeping robe at pupungas-pungas na lumapit sa kanya bago siya niyakap mula sa likuran. Halos malapit nang mag-hatinggabi ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Para palipasin ang oras ay nagtungo na lamang siya sa terasa ng kanilang silid upang tingnan ang malawak na palayan sa labas ng kanilang mansiyon. Nagmumuni-muni. Nag-iisip sa mga susunod niyang gagawin.
“Hey there, handsome…”
Bahagya na siyang kampante na malalaman niya ang galaw ng kanyang asawa dahil na rin sa kasunduan nila ni Esay. She was not the type to trust easily but she had no other choice, anyway. Isa pa, mukhang mapagkakatiwalaan naman si Teresa. Madali na lang itong ligpitin kapag napili nito na… suwayin ang kanyang utos.
She would try to fight and know the truth. At kung may parte nga si Alonzo sa pagkawala ng kanyang mga magulang, lalong-lalo na ng kanyang kapatid hindi siya mangingimi na tuldukan ang kanilang…
Mahina itong tumawa at nagtanim ng halik sa kanyang leeg. “Why aren’t you still sleeping? Can’t sleep?”
Tumango siya. “May iniisip lang ako, Alonzo…”
He sighed before taking her hand and placing a kiss on it. “You can tell me what’s wrong, amore…”
Umiling siya. Mahinang tumawa. “No, it’s really nothing. Just some matters about fashion and what to wear tomorrow.”
Tinawanan lang siya ng kanyang asawa. “I’ll pretend that I believe you even though we both know that I don’t. Pero hindi kita pipiliting magsalita, Thal… Puwede mo akong kausapin anytime.”
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at hinarap ang asawa. “I’m just… thinking about us… I mean, people would be really gossiping about us. Lalong-lalo na at palagi akong lumalabas ng San Esteban at ikaw naiiwan ka rito at—”
Natigilan siya sa mahinang tawa ng lalaki. “At tingin mo, mas lalo akong magkakaroon ng dahilan para paghinalaan na hindi ka tapat sa ‘kin, Thalia, gano’n ba?”
Tumango siya. Nakagat ang kanyang pang-ibabang labi. “Look, I’m just really taking care of the business. I swear I’m not sleeping with anybody. Tapat ako sa ‘yo, Alonzo… Hindi ko magagawa na magtaksil.”
Parang sandaling tumigil ang mundo niya nang hawakan ni Alonzo ang magkabila niyang pisngi upang titigan siya, mata sa mata. “At naniniwala ako sa ‘yo, amore. I promise…”
Isiniksik siya ni Alonzo sa mga bisig nito. And Thalia strangely felt… peace. And guilt. There he was, trusting her, while she was paying extra bucks just to make sure that he was not doing something against her. She knew that she was hiding a lot from him and still, there he was, trusting her. Believing in her. Loving her….
Tahimik na tiningnan ni Thalia ang mga edited na wedding photo, marriage certificate, license, at contract na inilapag ni Hugo sa harapan niya. Nakatulog na ang kakagising pa lang mula sa pagkaka-comatose na si Alonzo at ngayon ay binabantayan pa rin ng mga doktor ang lagay nito. Talagang dinala ni Thalia ang lalaki sa liblib na bayan ng San Esteban at kumuha ng mga doktor na magtatrabaho nang hindi sinasabi sa iba ang katauhan ng pasyente nito. Sinigurado niya na selyado ang mga labi ng mga ito kaya naman kampante siya na umaayon sa lahat ang kanyang mga plano.
Ilang linggo na ring nagpapagaling ang lalaki sa ICU ng naturang ospital, malayo sa nag-iisa nitong kapatid na tiyak niyang babaliin ang leeg niya kapag nalaman ang kanyang ginawa. Ngunit ano ba ang magagawa ni Thalia? She was crazy as f*ck. And she was so damn aware of it.
Tiningnan niya ang lalaki na nahihimbing sa higaan, may nakakabit na dextrose at iba pang tubo sa katawan nito. Sunog ang likod at batok nito, dala na rin siguro ng pagsabog ng ilang bomba na inilagay niya sa gusaling kinaroroonan nito noon. Well, to make her sins a little bit lighter, she came back from him. She found him lying on the road behind the burning property, near the cliffs. Hindi niya alam kung paano nakarating ang lalaki roon ngunit ang tanging alam lang ni Thalia ay kailangan niya itong madala kaagad sa ospital dahil humihina na ang pagtibok ng puso nito, maliban sa sunog nitong laman sa likod at leeg. Thankfully, her private chopper has first-aid medical apparatuses. She, with the help of her knowledge with medicines and Hugo, managed to let Alonzo endure a little bit more until they arrived at that damned hospital.
And now, there they were. He lost his memories, and she was… well, let us just say that she has no plans on telling him all of his memories.
“So ano nang plano mo ngayon, ha, Thalia? Ano, gagawa ka ng pekeng bahay, ng pekeng travel plans, pekeng travel visa, pekeng litrato n’yong dalawa na nagpupunta kung saan-saan? Ano pang kahibangan ang balak mong gawin?” mahina ngunit may diin na tanong ni Hugo.
Mahina lang siyang tumawa. “Look, Hugo. I need to keep him. Who knows what Alessandro might do to him! I don’t want to—”
Pagak na natawa ang lalaki. “Here we go again. Tama na, Thalia! You’re being crazy! You’re being crazy over a man who won’t do jacksh*t for you!”
Mapakla din ang tawa na isinukli niya sa sinabi ng lalaki. “At sino ang dapat kong piliin, Hugo? Ikaw? Hindi ba’t baliw ka rin? Ilang beses ko nang nilinaw sa ‘yo kung ano lang tayo. Pero ikaw ‘tong parang asong ul*l na habol nang habol! Don’t point your dirty finger at me, you sh*t.”
“Ginagawa ko ang lahat kasi totoo na mahal kita, Thalia!” halos pasigaw na sabi ng lalaki. “Sinusubukan kong kunin ang loob mo pero ikaw ‘tong matigas na parang bato—”
Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay tumayo siya at inayos ang kumot ng lalaking nakahiga sa kama. “Please lower your voice. Baka magising ang pasyente ko.”
“God-f*cking-damnit, Thalia Diaz!” gigil na bulalas ni Hugo. “This is next level deranged, do you know that? Just let Alonzo Romano go! You have endless choices but there you are, still choosing that man who hurted you! Move on, Thalia! Huwag ka nang magpanggap na kasal kayo, o na mahal na mahal n’yo ang isa’t isa, kasi sa totoo lang, nakakaawa ka na! Nakakaawa ka na sa puntong ‘to—”
Natigilan ito nang dumapo sa pisngi nito ang isang malakas na sampal mula sa kanyang kaliwang kamay. Nakakalokong tumawa si Thalia at kinuwelyuhan ang lalaki. “Hugo Corleone… you have no f*cking right to question me, my choices, or whom I decide to keep in my life. Oh, and you pity me? Tonto! I’m not someone to be pitied, Hugo… Because I have my plans. I have my chess moves. I have f*cking reasons…” Binitawan niya ang kuwelyo nito at kinaladkad palabas ng ICU. “At kung hindi ka pa handa na tawagin akong Mrs. Romano sa harapan ng asawa ko, huwag mo munang ipakita sa ‘kin ang pagmumukha mo. Your meat would do nicely for my tigers, cabron.”
Nang isara niya ang pinto ng ICU ay nanghihina na napasandal si Thalia sa pinto at napaupo sa sahig. She hated arguing with Hugo. Despite their hot-and-cold dynamic, she still valued him more than just being an assistant of hers, or a bodyguard. Hugo was her closest ally. Her closest friend.
Ngunit sadyang hindi niya lang talaga mapilit ang kanyang sarili na patibukin ang kanyang puso para sa lalaki.
Nang makahugot siya ng malalim na buntong-hininga ay tumayo siya upang tumabi kay Alonzo na nahihimbing pa rin sa higaan nito. Tila hindi man lang naalimpungatan sa sigawan nila ni Hugo. Well she preferred him that way. Silent, subservient…
Hinaplos niya ang pisngi nito bago hinalikan sa pisngi. Ngumiti si Thalia. “Don’t worry, Mr. Romano… I’ll make sure to treat you very, very well…”