XXV

1504 Words
Hindi nakita ni Teresa ang kanyang among lalaki buong umaga. Halos alas tres na rin ng madaling araw nang makauwi siya dahil na rin may pinag-usapan silang misyon ni Alessandro tungkol sa negosyo ng asawa nito sa Milan. Kailangan ng kapatid ni Valentina ng kaunting tulong upang hanapin ang isa sa mga dati nitong tauhan na ngayon ay nagtatago. Hindi naman malaman ng dalaga ang kanyang gagawin dahil na rin kay Alonzo at sa trabaho niya rito kaya naman tumanggi siya. Napilitan tuloy ang mag-asawa na arkilahin ang serbisyo ng isang Warui Sakamoto. Pagkatapos ay sandali pa silang nag-usap tungkol sa progreso ng kanyang misyon sa San Esteban. Nahahalata niya na bahagyang hindi komportable si Valentina na ibalik ang kakambal ng asawa nito. Hindi naman lihim sa kanya ang katarantaduhan ni Alonzo Romano bago ito maaksidente. At kahit na iba ang ipinapakita nito sa kanya ngayon, hindi maaalis sa kanyang isipan na ito ang pumatay sa kanyang ama at sagad sa buto ang kasamaan nito. Napalingon siya nang makarinig ng yabag pababa ng hagdan. Nasa salas siya noon at nagpupunas ng lamesa. Pupungas-pungas pa si Alonzo Romano nang bumaba ito at nakasuot lang ng roba, na halatang walang kahit na ano sa loob. Sa isip-isip ng dalaga ay pinipintasan niya ang bawat kurba ng katawan ni Alonzo kahit na ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi at tainga. Hihikab-hikab na naupo ito sa harapan niya at pabagsak na naupo sa upuan. “Esay, go bring me some coffee.” Kaagad siyang tumayo at sinunod ang utos nito. Naaalala niya na naman ang biro ni Alessandro sa kanya kagabi tungkol sa pagkapalikero ng kapatid nito. Hindi niya malaman kung bakit siya itinutudyo ng gagong iyon sa kakambal nito pero hindi niya rin maintindihan sa sarili niya kung nagugustuhan niya ba ang biro nito o hindi. Aaminin niya, guwapo ang kambal na Romano, pero palaging sinasabi ng kanyang utak na hindi siya maaaring mahulog kay Alonzo. Lalong-lalo na at nanggaling na mismo kay Leopold na malaki ang posibilidad na ito ang kumitil sa buhay ng kanyang ama. Nang ilapag niya ang kape sa harapan ng kanyang among lalaki ay napansin niya na nakatitig ito sa kanya habang hinahawakan ang hikaw nito sa kaliwang tainga na may mamahaling diyamante na nakakabit. Tumaas ang balahibo niya sa batok. Kung nakakalusaw lang siguro ang titig, matagal na siyang naging sabaw. Tumikhim siya at dumiretso ng pagkakatayo. “May kailangan pa po ba kayo, Sir? Kung wala na po, magluluto na po ako ng tanghalian.” Nag-umpisa siyang maglakad papalayo habang naiwan naman itong prenteng nakaupo. Bahagyang ipiniling ni Esay ang kanyang ulo. Nakakahalata na kaya ito? Nagluto siya ng bulalo noong tanghali na iyon dahil kanina ay naghatid ng bagong katay na baka ang may-ari ng farm na katabi nila, ang Echiverri Farms. Hinahanap nito ang lalaki dahil madalas daw tumulong si Alonzo sa farm kapag wala ang asawa nito. Inaya pa man din siya ng mabait na Don na sumama rin nang malaman na bago pa lamang siya sa lugar. Pinaalalahanan niya ang kanyang sarili na sabihan ang lalaki mamaya. Kung hindi man nito tanggapin ang alok ay siya na lang ang pupunta. Gusto niya ring malaman kung ano ang nasa paligid ng villa kung saka-sakali. Baka mamaya ay may mga nakakaligtaan siyang mga posibleng panganib na maging balakid pa sa kanyang misyon na madala pabalik ng X si Alonzo Romano. “Has Thalia asked you to report yet?” bungad ni Alonzo sa kanya nang makapasok ito sa kusina. Napapitlag siya at nabitawan ang sandok na hawak. Tumama iyon sa sahig na lumikha ng napakalakas na ingay. Kaagad na dinampot iyon ni Teresa, sapo ang dibdib. “Diyos ko, Sir! Maaga akong mamamatay sa gulat!” bulalas niya. Hinimas-himas niya pa ang kanyang dibdib habang pilit na pinapakalma ang sarili. Masyado yata siyang kinakabahan sa misyon na ito nitong mga nakaraang mga araw. Minsan pa nga ay sinasabi ni Alessandro na baka raw na-i-in love na siya sa kapatid nito. Ngunit palagi niya lang sinasabi na ayaw niya lang mabuko kaagad ni Thalia Diaz dahil alam niya kung gaano ito kabrutal sa mga nakakabangga nito. Lalong nawalan ng kuwenta ang pagpapakalma niya sa kanyang sarili nang mapansin niya na tatawa-tawa ito habang nakasandal sa poste ng kusina. Hinagod ni Alonzo ang buhok nito at sumulyap sa kanya. “Sorry for startling you. Gusto ko lang tanungin kung dumaan ba na tauhan si Don Luis dito.” Nahihiyang ngumiti si Teresa at ibinaling ang tingin sa niluluto. “Dumaan si Don Luis mismo, Sir. Tinatanong kung gusto niyo ba raw tumulong sa pag-aani ng mangga at pinya bukas at sa mga susunod pang mga araw.” Natigilan siya. “Pero huwag kang mag-alala, Sir, hindi ko naman sasabihin kay Ma’am Thalia—” Ang baritonong halakhak nito ang nakapagpatahimik kay Teresa. “I know you won’t. I’ll let him know that I’ll be there.” Napuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos nitong maglakad papalapit sa kitchen island at hilahin ang isa sa mga stool na naroroon. Alam niya na nanatili ang lalaki sa loob ng silid dahil ramdam niya ang pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. Nawala sa kanyang isipan na tatanungin niya nga pala ang lalaki kung puwede ba siyang sumama at ngayon naman ay nahihiya na siya na magsalita pa. Nakagat ni Teresa ang pang-ibaba niyang labi. Naiilang din naman siya at— “Esay—” “Sir Alonzo—” Mahina itong natawa. “You go first.” “Ah, huwag na, Sir, kayo na po ang mauna…” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at ngumiti. “Well, dahil pupunta ako sa Hacienda Echiverri bukas, wala kang kasama rito, tiyak na gagabihin na rin ako ng uwi at… gusto sana kitang ayain. Pero ayos lang naman kung ayaw mo at—” Naaasiwang napangiti ang dalaga. “Gusto ko rin po sanang magtanong sa inyo, Sir Alonzo, kung puwede akong sumama…” Nagkibit-balikat ang lalaki. “It’s settled, then.” Tumayo ito at ngumiti. “Maghain ka na, sabayan mo na ako kumain. Magbibihis lang ako.” Nang lumabas ito ng silid ay parang gustong magmura ni Teresa nang malutong. Hindi niya malaman kung bakit ganoon ang inaakto ng kanyang puso at hindi niya iyon gusto. Baka mamaya, iyon pa ang magdulot sa kanya ng kapahamakan. Ilang beses siyang nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga bago pinatay ang kalan at nag-umpisa nang maghain ng pagkain. Thalia Thalia stared at the burning papers on her hand. Mga kopya iyon ng mga transaksiyon niya sa tumulong sa kanya na makabuo ng istorya pati na rin ang mga medical record ni Alonzo mula sa ospital na pinagdalhan nila rito ni Hugo. Wala nang ibang mga kopya iyon maliban sa nasa maliit na flashdrive na siyang palaging nakakuwintas sa kanyang leeg at nakatago sa loob ng kanyang damit. Tumunog kasi ang alarm niya sa kanyang smartphone na binuksan ni Alonzo ang safe na nasa loob ng kanyang drawer sa study room ng villa. Ramdam niya na nagkakaroon na ito ng mga kaunting hinala. Kunsabagay, sa mga agwat sa memorya nito pati na rin ang mga pagkakataon na hindi siya nakakasagot kaagad kapag may tinatanong ito tungkol sa kanilang nakaraan, tanga na lang ang hindi makakahalata na may itinatago siya. Itinapon niya ang mga nasusunog na papel sa trash bin na nasa tabi ng lamesa. Ngumisi si Thalia at ibinato ang maliit na kutsilyong ginagamit niya kanina sa pagbabalat ng prutas. Tumama iyon sa pinto na eksakto namang binuksan ni Hugo. Mabuti na lamang at mabilis kumilos ang lalaki kaya naman naiwasan nito iyon. Bumaon ang kutsilyo sa pader na siya namang hinugot ng kanyang kanang-kamay. “In a foul mood, aren’t we?” Mahina siyang tumawa at dumekwatro. “No, not really. I’m just being cautious, Hugo. After all, I don't want to be a Romano's fool. Never, ever again.” Tumawa ito. “Why, was the prince you locked up in a tower starting to find ways? Sabi ko naman kasi sa 'yo, walang lihim na hindi nabubunyag. Walang nakaraan na nakakalimutan.” Ngumisi siya. “Let’s say… he’s starting to know what’s coming for him.” Kinuha niya ang kutsilyo mula sa kamay nito at naupo naman ang lalaki sa ibabaw ng kanyang study desk. Itinarak niya nang mariin ang kutsilyo sa kahoy at bumaon iyon. She can not let Alonzo find out everything this early. Hindi pa umuusad ang imbestigasyon niya tungkol sa kanyang kapatid at mga magulang. Higit sa lahat, hindi pa siya tapos na pahirapan ang lalaki. Hindi niya pa nababawi lahat ng sakit, galit, at hinagpis na naramdaman niya noong una niya itong minahal. “Hindi siya dapat magmadali, hindi ba? Pasasaan ba at makikita niya rin ang kakahinatnan niya?” Oh, don’t worry, mi vida. Even though I still madly love you, you’ll soon find out how cruel I am. After all, I’m just trying to pay you back with all the pain that you gave me, Vittorio Alonzo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD