X

1593 Words
Alonzo yawned as he reached for his side, only to find an empty space. Kaagad siyang napamulat at napabangon upang makita na wala nga talaga si Thalia sa tabi niya. Madilim ang silid at sa tantiya niya ay madaling-araw pa lang. Nasaan kaya ang asawa niya, sa ganoong oras? Tumayo ang lalaki at nagpatong lang ng sleeping robe sa ibabaw ng hubad niyang katawan. Bahagya pa rin siyang nahahapo ngunit ganoong wala si Thalia sa tabi niya ay hindi niya naman magawang matahimik. He wanted to know where his wife was. He wanted to cuddle and kiss her and maybe make love again, not to wake up and find an empty bed. Ngunit kung sabagay, kailan ba siya masasanay? Ganoon na ang nakagawian ng asawa niya kapag abala ito sa trabaho, na palagi naman. At kahit na mag-demand pa siya nang todo, wala rin naman siyang magagawa. Magagalit lang si Thalia at mag-aaway lang silang dalawa. Lumabas siya ng silid habang kinukusot ang kanyang mga mata. Medyo madilim sa pasilyo ng kanilang malaking tahanan ngunit sinanay niya na ang kanyang mga mata sa dilim kaya naman kaagad niyang natalunton ang hagdanan.Nang mapansin na may ilaw na nanggagaling mula sa kusina ay kaagad na tinalunton ng kanyang mga paa ang daan patungo roon. Bahagya pang napapitlag si Thalia at tumapon ang hawak nitong umuusok na kape nang sa paglingon nito ay nakita siya nitong nakatayo sa may pintuan. Binalutan ng pag-aalala ang katawan ng lalaki at papasugod niya itong pinuntahan. “Madre dio! Are you alright, amore?” bakas sa kanyang tinig ang takot bago ito dinala patungo sa lababo at pinadaan sa malamig na tubig mula sa gripo ang kamay nito. “I’m sorry kung nagulat kita…” She tsked and hissed as she tried to endure the stinging of her hand. “Por dios, Alonzo… Stop standing in a dark hallway. You scared me…” Malambing niya itong niyakap sa beywang at marahang pinadaan ang kanyang daliri sa balat nitong bahagyang nabanlian ng kape. “Sorry na…” Nang hagkan niya ito sa leeg ay tsaka niya lang napansin na suot pala nito ang kanyang itim na turtleneck na siyang suot niya kahapon. Napangisi siya at marahang pinadaan ang kanyang palad sa ilalim niyon at napagtanto na wala itong suot na pangloob. Iningusan naman siya ni Thalia at mahinang tinampal ang kanyang kamay. “Hands off, mister.” Lalong lumapad ang kurba ng labi ni Alonzo. “You’re wearing my shirt… That’s so cute…” Pairap-irap pa rin ito nang lumapit ito sa kitchen island at tingnan ang mga file na nakabukas sa laptop nito. Sinundan ito ni Alonzo at naupo sa tabi ng kanyang asawa ngunit nagsusungit nitong tinapunan siya ng tingin. “Well, puro lipstick marks ang leeg mo pati na rin ang abs mo. Just shows who made you satisfied last night,” nagmamalaki nitong sabi habang nagtitipa sa laptop. “And I’m glad you did…” Nangalumbaba si Alonzo sa ibabaw ng kitchen island at pinanood ang kanyang asawa na magtrabaho. Seryoso ito palagi kapag may inaasikaso sa negosyo at kahit na minsan ay gusto niya itong makalambingan a sinasanay na lamang niya ang kanyang sarili. He married a woman like her, anyway. He should be happy that Thalia set her eyes on him when there were larger fishes out there in the sea. “Baka mabawasan ng isang linggo ang trip ko sa X, mi vida,” basag nito sa katahimikan. “Inaayos na ni Hugo ang ilan sa mga aasikasuhin ko dapat kaya naman bawas na ang gawain ko…” “That’s great,” mahinang sabi niya habang pilit na tinatago ang selos sa kanyang tono nang marinig ang pangalan ni Hugo. “At least, you don’t have to spend a lot of time far away from home.” Kahit na nakangiti ang kanyang asawa ay pansin niya ang kakaibang emosyong nakapinta sa mga mata nito. Tumikhim ang lalaki at hinimas ang likod ng kanyang asawa. Medyo malamig sa loob ng kabahayan dahil maliban sa malamig ang klima sa San Esteban at bukas ang mga bintana ng kusina pansin niya na kanina pa nito kinikiskis ang palad sa hita. “You’re cold… Sa taas ka na lang kaya magtrabaho? You can work on our bed too.” Ngumiti lang ito at sinara ang laptop na hawak. “No need, tapos na rin naman ako. I’ll just probably finish this coffee and go upstairs.” Bahagya pa itong natigilan nang hilahin niya ito sa kamay at pinaupo sa kanyang kandungan. Namumula ang pisngi na tinapos ni Thalia ang kape na tinimpla nito habang siya naman a nakasubsob sa dibdib ng asawa. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at kahit na naisin niya man na magsalita, hindi niya magawa. Wala siyang maisip na sasabihin. “You always do that, mi vida,” pag-uumpisa ni Thalia. “I mean, being clingy and affectionate… Sinasanay ko pa lang ang sarili ko, Alonzo. Everything’s still surreal for me and I can’t even keep on maintaining my feelings.” Napa-angat ng tingin si Alonzo sa sinabi ng kanyang asawa. “Why, is there a problem with me being too affectionate?” Umiling ito ngunit hindi nawala ang lamlam sa mga mata ng babae. “No, I’m just… I just don’t think that you should be that affectionate to me. I’m a terrible wife and… I keep on hurting you with my dreams and wants. Pero ayan ka, palagi mo pa rin akong inaalala at ang kapakanan ko. Ayaw ko lang na maging unfair sa ‘yo, Alonzo.” But why do her reasons seem so… absurd? Bakit pakiramdam ko, may iba pang tinatago si Thalia sa akin? bulong ng kanyang isipan habang masuyong hinahagkan ang asawa sa sentido. “It doesn’t matter. Mahal kita kasi asawa kita, Thal… It won’t change even if you’re a little bit dominant or career-loving woman. I’m fine with that.” Ngunit imbes na kumalma ay mas lalo lamang nakaramdam ng lungkot ang asawa na itinago nito sa likod ng isang hikab. “Akyat na tayo, mi vida… I’m kind of tired. The coffee didn’t help,” natatawang sabi nito. Push and pull. Sa ilang buwan simula noong nawala ang memorya niya at nakasama niya is Thalia, iyon ang napansin niya sa kanyang asawa. Maliban sa pagiging dominante nito ay ganoon ang madalas nitong ginagawa sa kanya. May mga araw na itutulak siya nito papalayo. At may mga araw na hihilahin siya nito pabalik. At may mga araw na nag-iisip siya at tinatantiya kung ano ang gagawin ni Thalia sa kanya. And she was right, it felt terrible. It felt unfair sometimes. But now, it only made him want her more. Love her more. Strive to make her want him too. Pinangko niya ito at iniakyat sa kanilang silid sa kabila ng pagproprotesta ng kanyang asawa. Nang marahan niyang ihiga si Thalia sa ibabaw ng kama ay kaagad siyang hinila nito pabagsak sa ibabaw ng katawan nito. “You know, I’ll definitely miss you, Alonzo…” Tumawa siya at hinaplos ang pisngi nito. “I’ll definitely get hurt if you don’t, Thalia. Asawa mo pa man din ako.” He scoffed. “Plus, you’d be with that Hugo. I don’t like him hanging around you all the time, amore…” Ngumisi ito. “Well, I can’t stay away from him, either. Business partner natin siya, Alonzo… We can’t cut off ties with him just because of jealousy.” Napasimangot siya. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Alonzo para dahan-dahang alisin ang suot nitong turtleneck at itapon sa sahig. Malambing siyang nagtanim ng halik sa leeg nito, habang dinadama ang makinis na balat nitong kahit kailan ay hindi niya magagawang pagsawaan. “Do you promise me that you’d call?” Sa pagitan ng mga pagsinghap ay bahagya itong bumangon upang itaas ang kanyang mukha at siya naman ang napahiga nang tuluyan sa malambot na kutson. Sumampa sa ibabaw niya si Thalia habang dahan-dahang pinapadaan ang kamay nito sa awang ng kanyang suot na roba, tila ba nanunukso. “Not just a normal call, mi vida… I’ll call you every night and show you how I pleasure myself when you’re far away… I’ll call every night so you’d hear my moans, my grunts, and my sighs as I touch myself thinking it was you…” Ngumisi ito at tumigil. “Do you want me to continue?” “Yes, please…” halos mawalan ng hininga na sagot ni Alonzo. Dahan-dahan itong humiga sa ibabaw niya habang tinutukso ng mga daliri nito ang kanyang balat. Lalong umangat ang gilid ng labi nito bago inilapit ang bibig nito sa kanyang tainga at mahinang bumulong. “I’ll do it wherever you want to. In my office, in my hotel suite, in my bathroom… I’ll f*cking show you how I make myself c*m over and over again while I think about you and your body… If you’re jerking yourself while we’re on a call or you’re waiting for me to come home… Three weeks is a long time, Alonzo… I can make so much more in those three weeks. And I’ll put on a show for you to make you feel satisfied. To make you miss me even more…” “Oh,amore,” singhap niya nang mag-umpisa ang babae na paligayahin siya. “I want that…” Sumeryoso ang mukha nito habang dahan-dahang naglalandas pababa ang mga halik nito. “Then you have to be a good boy, Mr. Romano. Good things come for the boys who wait, after all.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD