ELIZA Wala na ako hinintay pang minuto bago puntahan sa taas ang anak ko. Buong araw na itong hindi bumababa at nanatiling nakakulong lamang sa kaniyang kwarto. Nang pumasok kasi ako sa trabaho kanina ay hindi ko na ito ginising para sabayan kami sa pagkain ng almusal, ngayon na alas siete na ng gabi at kauuwi lamang namin galing kumpanya ay binalita sa amin ng mga kasambahay na hindi man lang daw bumaba si Elly para kumain. Buong araw itong nagkulong sa kanyang kuwarto ng wala man lang sinasabing dahilan sa akin, dahil hindi ko maiwasan ang nararamdaman kong pag-aalala para sa lagay ng anak ko ay narito na ko ngayon sa tapat ng kuwarto niya. Tahimik ang buong palapag, maging ang silid niya ay wala man lang kaingay-ingay sa loob. Nang handa na ang sarili ko ay nagsimula na akong kumatok

