CHAPTER 15 [Athena’s POV] Ano raw? Tinawag akong ‘baby’ ni Levi sa harapan ng mga kaibigan ko? Jusko! Parang gusto ko nang tumayo mula sa pagkakaupo at tumakbo pabalik sa silid namin para maiwasan ang mga nanunuksong tingin ng mga kaibigan ko. “Ehem!” Pagkuwa’y turan ni Myka habang nakangisi. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Levi. “Meron ba kaming hindi alam?” “Baka may gustong magkuwento.” Singit ni Aria habang tinititigan ako. “Sino kaya ‘yon?” “Parang si Dylan yata.” Biro ni Keera habang nakangiti. “Dylan, may alam ka ba?” “Choy, wala akong alam diyan ha.” Tumatawang sabi ni Dylan habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng asawa. “Uhm, guys…” I cleared my throat as I gripped the jar of salt. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ako magsisimula. Kasalukuyan pa lang ak

