"Fleeting Moments"

2375 Words
[CHAPTER 3] [Levi’s POV] Nangingiti ako nang isara ko ang pinto sa passenger’s seat ng kotse ko, kung saan nakaupo si Athena. Ramdam kong nanggigilaiti siya sa inis, pero sigurado akong natakot siya sa banta ko kaya tumiklop siya. Marunong din pala matakot ang Amazona na ito. Natatawang bulong ko sa isip. I cleared my throat bago ako umupo sa driver’s seat. Pinilit kong maging seryoso kahit gusto kong matawa kasi inirapan ako ni Athena. Ang cute niya at kahit galit siya, ang cute niya pa rin. Hindi ko siya masyadong napagtuunan ng atensiyon dati, kahit madalas ko siyang makita, siguro kasi masyado akong naka-focus noon kay Keera. “Seat belt, please?” Turan ko sa kanya nang humawak ako sa manibela. “Ayaw kong mag-seat belt,” she answered as she crossed her arms over her chest. “Okay. Ako na lang ang magsi-seat belt sa’yo,” turan ko at akmang hahawakan ko na 'yong naturang belt nang paluin niya 'yong kamay ko. “Ako na,” iritable niyang sabi bago niya ito hinagilap sa tagiliran niya. “Masyado kang nagmamagaling, eh, ‘di ba?” “Hindi naman,” natatawa kong sabi bago ko pinaandar 'yong sasakyan. “Sabi mo kasi ayaw mo, eh, kaya ako na lang sana ang gagawa para sa'yo.” “Whatever, Sabino,” she said as she rolled her eyes. Napangiti ako, first time ko yatang narinig na may tumawag sa akin nang ‘Sabino.’ “I love it,” nangingiting sabi ko nang sumulyap ako sa kanya. “Ang alin?” Kunot-noong tanong n'yang tumingin sa akin. “’Yong Sabino.” “Akala ko naman kung ano,” turan n'yang bahagyang sumandal. “Can I call you Faith?” Tanong kong hindi tumitingin sa kanya. Naka-focus ako sa daan. “You can call me whatever you want, huwag lang Amazona, utang na loob.” Natawa ako sa huli n'yang sinabi, saglit akong sumulyap sa kanya at pakiramdam ko'y na-relax ako nang makita kong nakatawa rin siya. Mabuti naman at hindi na siya naiinis. “Bakit ayaw mong tinatawag kang Amazona?” “Eh, kasi ‘yong mga kalaro kong lalaki no'ng bata pa ako, iyon na ang tawag sa akin tuwing inaasar nila ako kaya bwisit na bwisit ako tapos dadagdag ka pa.” “Baka type ka ng mga kalaro mo dati kaya kunwari'y dinaraan nila sa pang-aasar sa'yo para mapansin mo sila.” “Type ba ‘yong sinusuntok nila ako? Kinakarate? Binubugbog? Sobrang pagpapapansin naman nila ‘yon.” I laughed at what she said. “Kaya ka pala lumaki ng ganyan, kasi dahil sa mga kalaro mong lalaki.” “Siguro nga, karamihan din kasi ng mga pinsan ko'y mga lalaki. Kapag pumupunta sila sa bahay dati, puro larong panlalaki ‘yong nilalaro namin at si daddy, gusto niya talaga ng anak na lalaki kaya lahat ng laruan ko'y puro panlalaki. Never kong naranasang maglaro ng manika.” “Kelan ba ang birthday mo para reregaluhan kita ng manika?” Nangingiti kong sabi. “Better late than never.” “Siraulo,” tumatawa n'yang turan. Saglit ding namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pasimple ko s'yang sinulyapan. Nakatanaw siya sa bintana. “Wala ka yatang suot na baseball cap ngayon, ah.” “Oo, bawal sa office, eh.” Nakangiting tugon niya. Muli ko na namang nasilayan 'yong cute n'yang dimple. “Bagay sa’yo ang palaging nakangiti. Ang cute ng dimple mo.” Nakangiti ring turan ko sa kanya. Bigla s'yang sumimangot. “Oh, bakit?” “Ang dami mong napapansin.” “Kapansin-pansin ka naman kasi, eh.” Halos pabulong kong sabi kaya bahagya s'yang lumapit sa akin. “Ano ‘yon?” Curious n'yang tanong. Tila hindi niya narinig 'yong sinabi ko. “Wala.” Natatawa kong sabi bago ko siya sinulyapan. Inirapan niya lamang ako. Nang makarating kami sa kainan ay in-order ko lahat ng klase ng seafood. Hindi ko kasi alam kung anong gusto niya. Ayaw naman n'yang sabihin, basta ang sabi niya’y kahit ano raw. “Ang dami naman nito, Levi,” turan n'yang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa aming harapan. “Ang totoo, huling lunch ko na ba ‘to?” Natawa ako sa tinuran niya. “Ayaw mo kasing sabihin kung anong pinaka-gusto mo, eh, kaya in-order ko na lang lahat.” “Grabe, kahit dalawa tayong kumain nito’y hindi natin mauubos. Baka paglabas ko rito’y ang taba ko na.” “Mas mainam,” nakangiti kong sabi. Medyo payat kasi ang kanyang katawan, pero hindi naman kapayatan. Sakto lang. “So, uhm, let’s start,” alanganing sabi niya pagkatapos n'yang mag-sign of the cross. “Okay, let’s eat,” nakangiting sabi ko. Tiningnan ko kung anong una n'yang kukunin dahil tiyak akong iyon ang pinaka-gusto niya. Kumuha siya ng sinigang na hipon at grilled oysters bago siya kumuha ako. Kaunting hipon at pusit lamang ang kinuha ko. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa seafood. Siguro’y nasanay lang ako kumain nito dahil kay Keera. “Diet?” Nakangiting biro niya. “Hindi. Pakiramdam ko’y busog pa kasi ako, eh.” Pagdadahilan ko. “Uh-oh.” Turan n’yang biglang nasamid. “Gosh! Ang anghang.” Sinipsip niya 'yong iced tea na laman ng baso niya. Agad ko s’yang inabutan ng tubig. “You alright?” I asked worriedly. Nakita ko kasing biglang namula 'yong buong mukha niya. “Yeah, I’m fine. Sobrang anghang lang no’ng nahigop kong sabaw ng alimango.” She answered as she cleared her throat. Bahagya niya pang kinagat-kagat 'yong pang-ibabang labi niya. Lalo lamang tuloy itong namula. Napalunok ako. Pakiramdam ko’y nag-init din 'yong katawan ko nang may kung anong pumasok na kapilyuhan sa isip ko. I imagined that I was licking her lower lip while biting it. Stop the f**k, Levi! I reprimanded myself as I pretended to look away. “Levi, let’s go.” I heard Athena say kaya muli ko s’yang tiningnan. “Okay ka na ba?” “Yup.” Sabay na kaming naglakad palabas ng kainan. Ilang sandali pa’y nagpaalam s’yang magba-banyo lang daw siya. Nakatayo ako sa labas ng mapansin ko ang isang convenience store sa kabilang kalsada. Tumawid ako rito at bumili ng fresh milk. Nang pabalik na ako sa kinapa-paradahan ng kotse ko'y nakita kong nakatayo na si Athena sa labas habang may kausap ito sa phone. “Okay, Vince, pabalik na rin naman ako, eh. Bye.” Narinig kong turan niya sa kausap bago niya ako nilingon. “Saan ka galing? Akala ko’y umalis ka na.” “Siyempre hindi naman kita iiwan.” Nangingiti kong sabi. “Nangako ako sa’yo na ihahatid kita pabalik sa opisina mo at tutuparin ko ‘yon kahit ano pang mangyari.” “Nice one.” Nangingiti rin siya. “A man of his word.” “Here, take it.” Iniabot ko sa kanya 'yong binili kong fresh milk. Tiningnan niya ito. “Para saan ‘to?” “Para mawala ‘yong anghang sa loob ng bibig mo.” Turan kong humakbang palapit sa kotse. “Oh, thank you. How much?” “Bakit mo tinatanong kung magkano?” Tanong kong nilingon siya. “Babayaran ko, siyempre.” “No need.” “Magkano nga?” “Maliit na bagay lang ‘yan, Athena. Hindi mo kailangang bayaran.” “Eh, bakit ikaw, 'yong ginawa kong pagtulong sa’yo eh, pilit mo ring binayaran?” “Iba naman ‘yon, eh. At saka, hindi naman ‘yon bayad, appreciation… pasasalamat, gano’n lang.” “Ah, basta, babayaran ko pa rin ‘to.” Giit niya. “Pababayaran mo o itatapon ko ‘to?” Nangingiti akong sumandal sa kotse ko bago ko ibinulsa sa pantalon ko ang magkabila kong kamay. Ang kulit talaga ng Amazona na ‘to. “Okay, dahil mapilit ka. One thousand pesos ‘yan.” “What?” Kunot-noong reaksiyon niya. “Anong klaseng fresh milk ba ‘to? Bakit ang mahal? Is it bottomless?” Natatawa ako nang makita ko s’yang naghahagilap ng pambayad sa bulsa ng pantalon n’yang suot. Ang alam ko'y tanging phone lamang ang dala niya. She cleared her throat nang tumingin siya sa akin. Kinindatan ko siya kaya napangiti siya. “P’wedeng utang na lang? Wala pala akong dalang pera.” Natawa ako sa sinabi niya. “Sige, pero may interest na ‘yan.” “Grabe ka.” Tumatawa rin siya nang lumakad siya patungo sa passenger’s seat. Akmang bubuksan niya ito, pero naunahan ko siya. “Hindi mo na ako kailangang pagbuksan ng pinto, Levi. Kaya ko naman.” “Eh, bakit ba? Gusto ko, eh.” Hindi na kami nag-usap hanggang sa maihatid ko siya sa opisina niya. Kabilaan kasi ang tawag na natatanggap niya kaya hindi na rin ako nagkaroon ng chance para kausapin pa siya. “Thank you, Levi.” Turan niya nang bumaba na siya ng sasakyan. “You’re welcome. Nag-enjoy ako.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Mabuti ka pa, nag-enjoy, ako’y hindi.” Nangingiting biro niya kaya natawa ako. “So, next time ulit?” “Suntukin kita, Sabino. Wala nang next time, ah.” Turan n’yang sinamaan ako ng tingin. “Ito ang una at huling lunch natin sa labas, okay?” “Okay. So, next time ay sa loob naman.” Nangingiti kong biro. “Baliw ka.” Naiiling n’yang sabi. Nagkatawanan kami. “Sige na, papasok na ako kasi late na late na ako.” “Okay. Thank you so much for your time, Faith.” “Thank you so much din sa lunch. Sobrang nabusog ako.” Nakangiti n’yang sabi. “Bye. Mag-ingat ka.” “Okay. Thank you.” [Athena’s POV] “Athena, lunch mo.” “Huh? Kanino nanggaling?” Kunot-noong tanong ko kay Elvie nang iabot nito sa akin ang isang paper bag. “Hindi naman ako nag-order, eh.” “Hindi ko alam, eh. Basta may nagpaabot lang daw sabi ni Paul.” “Thank you.” Sinilip ko ang laman ng paper bag. Nakita kong nakasalansan ng ayos ang mga lalagyan ng ulam. Sinigang na hipon at grilled oysters pati na rin ang kanin. Ayon sa pagkaka-pack ay galing ito sa Seafood Island. Kinuha ko ang maliit na papel na nakadikit sa loob ng paper bag at binasa ang note na nakasulat dito. ‘Hi, Batman Lover, enjoy your meal.’ I just sighed. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong maramdaman ng mga sandaling iyon. Kung gusto ko bang matuwa dahil nag-effort si Levi na padalhan ako ng lunch o kung gusto kong mainis dahil hindi ko alam kung ano ang motibo niya para gawin ang bagay na iyon. Ilang linggo na rin ang nakalilipas magmula ng kumain kami sa Seafood Island ni Levi at hindi na naulit pa ‘yon, pero ‘yong komunikasyon namin ay patuloy pa rin. Nawili s’yang i-text ako parati and to be honest ay nage-enjoy din naman akong reply-an siya. Masaya s’yang kausap kahit through text lang. Ang madalas naming pag-usapan ay ‘yong tungkol sa aming mga buhay-buhay no’ng nag-aaral pa kami. I texted him pero hindi siya nag-reply. I tried to call him pero hindi siya sumasagot kaya naisipan kong daanan siya sa opisina niya pagka-out ko no’ng hapon. Bahagya akong tumingala sa napaka-taas na building na pag-aari ng mga Alejandro. Grabe, nakakalulang tingnan. ‘Yong tipong kapag pumasok ka sa loob ay tila ba maliligaw ka. “Hi.” Nakangiting bati ko sa guard. “Nandiyan pa ba si Mr. Levi Alejandro?” “Sino po sila Ma’am?” Magalang na tanong nito sa akin. “Uhm, kaibigan niya ako.” “Pasensiya na, Ma’am, pero hindi ako p’wedeng mag-disclose ng kahit anong impormasyon sa kahit sino kung hindi ho namin kilala para sa kaligtasan na rin po ng aming mga amo.” “Gano’n ba?” “Opo, Ma’am, pasensiya na po.” “Okay lang. No problem.” Muli ko s’yang nginitian at akmang paalis na ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. “Athena?” “Uy, Dylan!” Nakangiti kong bati sa kanya. Eksaktong kalalabas niya lang mula sa kanilang building. “Anong ginagawa mo rito?” Nakangiting tanong niya. “Uhm, I’m looking for your brother.” “Bakit? May kailangan ka sa kanya? Ang alam ko’y katatapos lang ng board meeting nila.” “Magbabayad lang ako ng utang sa kanya.” Tumawa siya. “Oh, bakit?” “Kasi no’ng nakaraa’y kinuha ni kuya ‘yong address ng bahay at opisina mo dahil may utang daw siya sa’yo, tapos ngayo’y nandito ka para ikaw naman ang magbayad ng utang sa kanya. ‘Yong totoo, naglolokohan ba kayong dalawa?” Nakangisi n’yang turan. “Sobra kasi ‘yong binayad niya sa akin kaya ako na tuloy ‘yong nagkaroon ng utang sa kanya.” Pagkuwa’y sabi ko. Sinamahan niya akong pumasok sa loob ng building. Kasalukuyan kaming nasa elevator ng tumunog ang phone ni Dylan. Ang kaibigan kong si Keera ang tumawag at pinauuwi na siya nito kaya halos magkandarapa na siya sa pagmamadali. Natatawa na lang ako nang lumabas ako ng elevator. Hindi na kasi siya lumabas, itinuro niya lang sa akin ang president’s office kung saan naroroon ang kuya niya. Wala ang secretary ni Levi sa puwesto nito kaya dumiretso na ako sa mismong opisina ni Levi. Agad s’yang ngumiti sa akin ng bahagya akong sumilip sa pintuan. “Hey, Batman Lover…” Nakangiting bati niya sa akin. “What brought you here? Are you applying for a job?” Lumakad ako palapit sa kanya bago ako naupo sa tapat niya. Kumuha ako ng pera mula sa wallet ko bago ko ito ipinatong sa ibabaw ng table niya. “Bayad ko sa pinadala mong lunch kanina.” Tiningnan niya lamang ‘yong pera bago siya natatawang tumingin sa akin. “Akala ko pa nama’y nandito ka para mag-apply ng trabaho.” He said smiling as he held my gaze. I held his gaze too. “Sayang, bagay ka pa naman sana rito…” He hanged his sentence as he continued to stare at me. Saglit niya pang inilapit ‘yong mukha niya sa mukha ko kaya bahagya akong napalunok. “At sa tingin ko'y bagay ka rin sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD