Hihingi ako ng space kay Yttrium. That was final. Kagabi ko pa 'to pinag-iisipan at hanggang ngayon pero... sure na sure na ako about dito. Hindi ko naman siguro siya masasaktan dito, 'di ba? Kasi para rin naman 'to sa kanya. Na kapag naisip ko na ang totoo kong nararamdaman, hindi na ako makikipag-break sa kanya. Kami na lang, iyong wala ng gugulo sa isip ko... akin lang siya at sa kanya lang ako. Parang ang sarap lang isipin. But the problem was just... what if wala talaga akong nararamdaman para kay Yttrium? Ibig sabihin ba no'n... kailangan ko na siyang layuan agad para hindi ko na siya masaktan? E, parang mas masasaktan ko lang siya noon. Ang labo naman. Ayaw ko siyang masaktan pero sa lumalabas, masasaktan at masasaktan ko siya. Kainis. Ba't ba ang komplikado? Kailangan ba talaga

