"Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nag-uusap, ha..." Rinig kong sabi niya sa likod ng puno. Napatigil naman ako sa paglalaro sa labi ko gamit ang daliri ko. Oo nga. Ang tagal na rin mula no'ng last na nakausap ko siya. Namiss ko siya, Lalo na 'yong kalmado niyang pagkausap sa'kin. Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula no'ng Local Science Quiz Bee... at nanalo ako. Halos dikit lang— dikit na dikit ang score namin ni Yttrium. 48 ako. 47 siya. Minsan, naiisip ko, parang nagparaya lang siya. Naiinis ako kapag naiisip 'yon. Para bang naaawa lang siya sa'kin na pinagbigyan niya ako. Over 50 ang test no'n at tatlo lang ang mali niya. Gano'n ba kalaki ang expectation niya sa'kin? Na hindi ako magkakamali ng tatlo pababa? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Though, tapos na

