Nakahawak lang ako sa kamay niya habang nakaupo kami sa damuhan. Medyo madilim na kaya ang ganda ng view sa ibaba. Nasa isa kaming hill, hindi naman masyadong mataas, sakto lang para akyatin. Kitang-kita rito ang buong city, ang ganda lang kapag gabi dahil sa mga lights. Dito iyong first date namin na puro kalokohan lang ang naganap pero naging masaya naman kami... at ngayon, ito ang pangalawang beses namin dito at... alam kong hindi maganda ang magiging memories namin dito. Tahimik lang kami. Walang gustong magsalita– hinihintay kung sinong magfi-first move. Naramdaman ko iyong paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at isiniksik na naman sa leeg ko. Naging hobby niya na talaga 'yan kapag magkasama kami. Binitawan niya iyong pagkakahawa

