3:30am pa lang ay gising na ako. Paano ba naman, kailangan daw na 4:30am, nando'n na agad sa Yntela. Kapag wala ka pa at nag4:30 na, iiwan ka ng bus at no refund. Kailangan ba talaga sobrang aga? Apat na lugar lang naman ang pupuntahan. Quezon City Memorial Circle, PAGASA, Art in Island at Star City. Akala mo naman ay napakadaming pupuntahan namin kung makautos sila na agahan. Buti nga at sumama pa ako. Lahat kaya 'yon, napuntahan ko na! Maliban sa PAGASA. Boring daw d'yan, e. Pagkaligo ko, sinuot ko na ang jogging pants at T-shirt ng Yntela. This sucked. Field trip tapos nakapang-PE kayo. Wala namang magagawa dahil ito ang sabi. Kinuha ko rin ang sweater ko na kulay gray. Malamig mamayang gabi kaya kailangan ko 'to. Kinuha ko ang Nike Flex Contact Running Shoe ko at sinuot. Halo

