KINABUKASAN ay tanghali na nang magising si Tanya. Sobrang nanghihina ito at hindi makabangon. Ramdam niya ang pamamanhid ng buong katawan niya– particular sa p********e niya. Napasapo siya sa ulo. Humingang malalim na nanatiling nakapikit. Saka lang nito napansin na napakainit niya. “Sweetheart, are you awake?” tanong ng baritonong boses na may halong lambing at pag-aalala. Marahan itong tumango na nanatiling nakapikit habang nakasapo pa rin sa ulo. “Taylor, may gamot ka ba dito? Lalagnatin yata ako,” mahinang wika niya. Ibinaba ni Taylor ang dalang lugaw at tubig sa bedside table sa gilid ng kama. Naupo siya sa gilid ni Tanya na sinalat ang noo at leeg nito. “Kumain ka muna, sweetheart. Para makainom ka ng gamot,” mababang wika ni Taylor. Nagdilat ng mga mata si Tanya. Kita

