ISANG gabi, nagkataon na ang bar na pinuntahan ni Leo ay ang tambayan nila Gela! Kakilala kasi ng binata ang may-ari ng bar kaya doon siya pumunta. "I think I'm lucky tonight," usal ni Gela na may matamis na ngiti sa mga labi habang nakamata sa binatang nasa counter. Napasunod ng tingin ang mga kaibigan niya sa tinitignan ni Gela. Napaawang sila ng labi na makita kung gaano kagwapo ng binata. Akmang tatayo si Antonette para lapitan ito pero pinigilan siya ni Gela sa braso. "I know him, girl. Leave it to me." Wika nito na tumayo sa kanyang upuan. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan nito. Halatang hindi nila nagustuhan ang pagpigil ni Gela kay Antonette na puntahan ang binata. Kahit kasi si Gela ang gumagastos sa grupo nila, si Antonette pa rin ang boss o pinuno nila. "Let's just

