HALOS bagsak na si Leo nang akayin ni Thirdy at Dos na inihatid sa silid nilang mag-asawa. Tahimik namang sumunod si Taylor sa mga ito. Kahit ayaw niya pa sanang umalis, kailangan na din nilang bumalik sa kanilang hacienda. Naiinis ito na iwanan si Tanya at Leo pero wala naman siyang karapatan na harangan ang dalawa na magsama sa iisang silid. "Naku po, Leo!" bulalas ni Tanya na mapagbuksan ang mga ito at kitang lasing na lasing si Leo! "Pasensiya ka na, Tanya. Naparami ang nainom namin. Unang gabi niyo pa naman ngayon ni Leo. Nakasira pa kami sa honeymoon sana nin'yo." Paumanhin ni Dos na dinala nila si Leo sa kama. "Wala po iyon, tito. Hindi pa naman kami nakahanda ni Leo para sa mga gano'ng bagay." Sagot ni Tanya na sumunod sa mga ito. Nagkatinginan pa si Dos at Thirdy sa isinago

