"Hello, Mika! nakikinig ka ba sa akin?" Nahimasmasan lang ako nang marinig kong paulit-ulit pala akong tinatawag ni Jane sa aking pangalan. Si Jane ay isa sa mga matatalik kong kaibigan at ka-room mate ko siya sa apartment na aming tinutuluyan. Kasalukuyang nasa wedding reception kaming dalawa habang nakaupo sa side table at lumalamon ng handaan. Pero hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala at naglalayag ang isipan. "Ano ba kasi ang iniisip mo riyan? bakit parang ang layo-layo naman ng tingin mo. May problema ka ba? sabihin mo lang basta huwag pera, dahil alam mo namang parehas lang tayong gipit." Ang sinabi nito sa akin habang abala sa kinakain niyang kalamay. "Nagkita kaming dalawa." Mahinang tugon ko sa kaniya habang nakayuko ang ulo ko at nakatingin sa lamesa. Umang

