"Sandali lang." Sa kabila ng kanilang paglalakad, biglang itinaas ni Prinsipe Adonis ang isa niyang kamao at huminto sila sa kanilang paghakbang. "Bakit? ano ang problema?" usisa ni Prinsesa Lorde sa kaniya ngunit hindi siya sinagot nito. Tumingin naman si Hyrim sa kaniya at pinatikom ang kaniyang bibig. Tumango na lang ito sa ulo at tinakpan ang bibig gamit ang sarili niyang mga kamay. Nakapikit si Adonis habang matamang pinapakinggan ang kanilang buong paligid. Napamulat lang siya ng mata nang may umatake sa kanilang aswang. Patungo sana ito sa kaniya, ngunit kaagad itong kinitilan ng leeg ni Hyrim gamit ang kaniyang espada. Si Lorde naman ay natulala at nabigla sa kaniyang nasaksihan. “Mga aswang. Kailangan na nating makaalis dito bago pa tayo abutin ng takipsilim." Utos ni Adonis

