"Bakit parang ang tagal naman yata niya?" bulong ni Adonis sa kaniyang sarili habang hinihintay niya si Hyrim. "Kamahalan!" malakas na sigaw ni Hyrim sa kaniya. Pagkarinig niya sa boses nito ay agad siyang napalingon sa kaniya na may guhit ng kunot sa kaniyang noo. "Bakit ngayon ka lang? alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa iyo?" mariin niyang sambit dito pero ngumiti pa rin ang binata sa kaniya at saka nilapag sandali ang tatlong box ng mansanas sa harapan niya. Narinig naman ni Adonis ang malakas na pagkalabog kaya nausisa siya sa binitbit ng binata. "Ano iyang dala mo? bakit parang napakarami naman yata ng nasungkit mong mangga." Turan niya rito. "Hindi lang mangga ang nakuha ko kamahalan kun'di isang tatlong kahon ng prutas." Ang tinugon niya rito na ikinabigla ng prinsipe. "

