CHAPTER TWO

3749 Words
Nasa loob na kami ng van. May sako ang ulo namin at naka tali ang kamay namin sa likod. May dalawang armadong lalaki sa gilid namin at dahil ang lalaki nila ay sobra akong nasisikipan.   Kahit naka tape ang labi namin ay narinig ko ang malakas na pag hikbi ni Letson. Hindi sya maka hikbi ng maayos dahil sa tape pero nasisiguro kong umiiyak sya.   “HOY! TUMIGIL KA NGANG TABACHOY KA!” Sigaw ng armadong lalaki na nasa kanan namin, ngunit hindi nagpatinag si Letson. Lalong lumakas ang kaniyang pag hikbi at kung ipagpapatuloy nya ang pag hikbi nya baka mabugbog sya ng mga lalaking ‘to, “BWISET TALAGA OH! HINDI KA TALAGA TITIGIL?!” Gusto kong matawa dahil sa bawat pagalit ng lalaki sa kaniya ay mas lalong lumalakas ang hikbi ni Letson.   “Mmm! Mmm!” iginalaw ko ang katawan ko na para ba’ng nagwawala ako upang matuon ang kanilang atensyon sa akin.   “Putcha naman oh! May sasabihin ka ba?!” ika ng lalaking nasa kaliwa namin. Naging sunod-sunod ang pag tango ko at sa wakas ay inalis niya ang sakong nasa ulo ko. Pag alis niya ng sako na nasa ulo ko ay agad kong iniuntog ang ulo ko sa kaniyang noo dahilan para masapo niya ang kaniyang noo   “HOY! BASTOS KA AH!” Sigaw ng lalaking nasa kanan.   Itinaas ko ang kanan kong paa at buong lakas na sinipa ang ulo ng lalaki na nasa kanan. Dahil sa lakas nito ay tumama ang kaniyang ulo sa salamin ng van dahilan para mabasag ito at mahimatay ang armadong lalaki.   Agad kong naramdaman ang kakaibang hangin na papalapit sa akin. Bago pa ito dumapo sa pisngi ko ay agad akong sumandal sa kinauupuan ko. Bumungad sa akin ang hawak niyang baril na sana ay ipapalo nya sa mukha ko.   Itinaas ko ang dalawang paa ko at inipit ang kaniyang kamay sa pagitan ng paa ko. Inikot ko ito ng buong makakaya ko dahilan para humiyaw sya pero dahil agad na kinanan ng driver ang van ay nabitawan ko ang kaniyang kamay. Bago pa likuin ng driver ang van sa kaliwa ay sinipa ko ang ulo niya at tumama naman ito sa manebela dahilan para makatulog sya at ‘di sinasadya ng driver na maikot pakaliwa ang manebela ng van. Sakto namang babarilin na sana ako ng armadong lalaki sa likod ko kaya nang makaliwa ang van ay lumipad ang baril palabas ng bintana habang ang ulo ko ay nauntog sa pinto.   Lumapit ang lalaki sa akin pero agad kong sinipa ang kaniyang sikmura dahilan para mapa atras sya. Dahil naka tali ang kamay ko ay hirap akong tumayo ng walang suporta mula sa kamay ko. Agad akong natigilan nang maglabas ng patalim ang lalaki at walang pag aalinlangang sinugod ako. Nang malapit na ang kutsilyo sa akin ay agad akong tumalikod at tumayo dahilan para matamaan ng kaniyang kutsilyo ang tali na nasa kamay ko.   Napangisi ako tsaka nilingon ang lalaki. Bakas sa kaniya ang pagka gulat dahil sa hindi nya inaasahang kilos ko ngunit nang mapatingin ako sa daanan ay may naka hilerang kulay kahel na barricade at sa likod no’n ay may isang malaking butas.   Agad na bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil inaalala ko ang sarili ko ngunit dahil inaalala ko ang buhay ng mga kaibigan ko na wala pa ring kaalam-alam sa nangyayari.   Agad akong pumunta sa driver seat ngunit napaka bigat ng driver na ito at ilang Segundo na lang ang meron ako para mapatigil o mapakanan ko ang kotse para maiwasan namin ang contruction site na iyon.   “AYOKO PA’NG MAMATAY!” Sigaw ng lalaki na may hawak-hawak na kutsilyo. Agad niyang binuksna ang pinto na nasa gilid niya. Mukhang alam ko na ang gagawin nya. Hindi na sana ako aangal sa gagawin niya nang makita ko ang kulay pulang kotse na padaan sa gilid namin at kung tatalon sya palabas ng van siguradong masasapul sya ng kotse.   Lalapit na sana ako sa lalaki para hilain sya pabalik pero huli na ang lahat dahil… tumalon na sya palabas ng van   “ ‘WAAAAAGGGG!” Buong lakas kong sigaw. Hindi pa man dumidikit ang kaniyang katawan sa semento ay nahagip na sya ng pulang kotse.   Wala akong oras para mag drama ngayon… kailangan kong ma-iligtas ang buhay ng mga kaibigan ko   Muli kong nilingon ang labas upang tignan kung gaano na kami kalapit sa construction site at nang mapagtanto ko na isang Segundo na lang ay tatama na kami sa barricade kaya naman agad kong nilingon ang mga kaibigan ko at tsaka ko sila pinaglapit sa isa’t isa at niyakap ng sobrang diin habang ang katawan ko ay nasa kanilang harap.   Maya-maya pa'y naramdaman ko ang pag lipad ng van. Tila ba nag slow motion lahat ng nasa paligid ko. Tila rin ba nabingi ako na tanging ang naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko na pabilis nang pabilis.   Pinikit ko ang mata ko na sinabayan ko ng malalim na pag hinga habang ang dalawa kong kaibigan ay nakapatong sa magkabilang gilid ko ngunit hindi ko hinayaan na matamaan ang kanilang mukha o ulo sa semento.   “MMMM! MMMMM!” pag daing ng dalawa. Unti-unti kong ibinukas ang mata ko at bumulaga sa akin ang umiikot-ikot na paligid. Nanlalabo na rin ang mata ko at nanghihina ang katawan ko.   Kahit hinang hina ang aking katawan ay pilit kong inalis ang braso ko na dinadaganan ng dalawang kaibigan ko. Agad naman na umusod sila pagilid. Nilingon ko si Patrick at inalis ang sako na nasa kaniyang ulo gamit ang natitirang lakas ng katawan ko. Hindi ko makita ang kaniyang reaksyon dahil sa paglabo ng paningin ko pero nasisiguro ko na gulat na gulat ang isang ‘to.   Ibinaba ko ang braso ko at dahan-dahang pumikit. Narinig ko ang pag ungol ni Patrick na tila ba nag pa-panic na siya kaya naman bago ako tuluyang makatulog ay... iginuhit ko ang pilit na ngiti sa labi ko.   PATRICK’S POINT OF VIEW:   Nasa ospital kami ngayon. Kaunting sugat lang ang natamo ko gayundin si Brent pero si L.A….   Napa buntong hininga ako. Maalala ko pa lang ang nangyari kanina hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Pakiramdam ko… napaka walang kwenta ko noong oras na 'yon. Wala man lang akong alam sa nangyayari sa paligid ko dahil sa lintek na sako na ‘yon. Wala rin akong naitulong kay L.A. at naging pabigat pa ako sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang maupo lamang habang inaalala ang sarili ko.   Napakasarili ko…   “Bro,” dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Bumungad sa akin si Brent na naka ospital gown habang kitang kita ang laki ng kaniyang tiyan. May hawak-hawak siyang chichirya na bukas na habang ang paligid ng kaniyang labi ay may mga naiwang tsitsirya   “Hanggang ngayon kumakain ka pa rin?” walang gana kong tanong sa kaniya.   “Paupo ako ah,” bahagya akong umurong sa gilid para maka upo sya sa tabi ko. Napa bounce pa ako ng ilang beses dahil tumalon sya ng paupo sa kama ko, “Gusto mo?” inilapit nya sa akin ang hawak-hawak niyang tsi-tsirya pero umiling lang ako biglang pag tugon, “Ayos na kaya si L.A.? Grabe yung tama nya kanina. Biruin mo bro ang daming dugo ang lumabas sa ulo nya”   Napatingin ako sa palad ko. Naalala ko na binuhat ko si L.A. palabas ng van kaya nahawakan ko ang dugo nya. Kakaiba ang dugo nya. Itim na itim.   “Tsaka ano pala yung tinurok sa atin kanina?” napalingon ako kay Brent. Oo nga pala, nung tumawag kami ng ambulansya-mabuti na lang gumagana pa ang phone ko- may tatlong naka suit na puti ang lumapit sa amin. Ilang beses kong sinabi na si L.A. ang unahin nila dahil malala ang kondisyon nya pero ayaw makinig ng tatlo. Pinunasan nila yung dugo na nasa palad namin at braso ko tsaka may tinurok sa amin. Hindi ko na natanong kung ano ang tinurok nila.   Sunod nilang binuhat si L.A. papasok sa sasakyan ng ambulansya habang kami ni Brent ay nasa ibang ambulansya, hiwalay kay L.A. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay L.A. dahil kung 'di sa kaniya ay nakaratay na kami sa kama at mahimbing na natutulog. Kung mamalasin naman kami, diretso na kami sa morge.   “Oh, ano? Tulala ka na diya’n?” natatawang tanong ni Brent. Sasagot na sana ako nang may bumukas ng kurtina namin at bumungad sa amin ang pawisan at hingal na hingal na si Izel. Naka yuko sya habang ang dalawang kamay nya ay nakahawak sa kaniyang tuhod habang hinahabol ang hininga. Nakatuon ang kaniyang paningin sa amin ni Brent at mababakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.   “Oh… Izel,” ika ko. Umayos sya ng pagkakatayo at lumapit sa amin tsaka nya kami niyakap ni Brent   “Pumunta lang ako ng school nagka ganyan na kayo! Sinong gumawa nito sa inyo? Papatayin ko!” napa irap ako. Marahan ko syang tinulak dahil wala pa akong lakas masyado.   “Alam mo, ang OA mo,” natatawang sabi ko tsaka matunog na ngumisi.   “Ano ba kasing nangyari?! Si L.A... nasaan na?” nagkatinginan kami ni Brent. Para kaming nag uusap sa isip kung sasabihin ba namin ang kondisyon ni L.A. o hindi, “Hoy! Ano na?” aniya habang niyuyugyog kaming dalawa.   “A-Ano kasi..” napakamot ako sa batok ko. Para bang may pumipigil sa dila ko na magsalita at mukhang ganun din si Brent   “Balik muna ako sa kama ko, ang sakit pa pala ng katawan ko” pagdadahilan ni Brent. Tumayo sya at sinulyapan ako na may malalim na kahulugan na para ba’ng Ikaw na bahala diya’n.   Loko talaga. Iniwan akong mag-isa.   “Bro,” napalingon ako kay Izel pero agad na iniwasan ko ang kaniyang paningin, “Patrick naman oh, nasaan si L.A.!?”   “N-Nasa..” tumikhim ako at sinundan ko ng malalim na pag buntong hininga, “E-Emergency room-“   “ANO?!” Nagitla ako nang bigla syang sumigaw. Napatingin pa ang ibang tao sa amin kaya agad akong napayuko sa kahihiyan, “Nanloloko ka ba?! Paanong nasa E.R sya eh pareho lang naman kayong naaksidente?!”   “Ang totoo niya’n…” napa igting ang panga ko. Nakakahiya ang susunod kong sasabihin pero kailangan kong magsabi ng totoo, dahil kaibigan namin itong si Izel, “… Niligtas kami ni L.A.,” katahimikan. Iyon ang bumalot sa pagitan namin ni Izel. Hindi ko naman magawang tignan ang kaniyang reaksyon dahil.. dahil natatakot akong makita ag kaniyang reaksyon. Natatakot ako na makita ang mata niyang nagsasabi na nabigo ko sya.   Titignan ko ba siya? mag so-sorry ba 'ko? Anong gagawin ko?   “Ano ‘yan, ha?” agad na nanigas ako sa kinauupuan ko. Tila ba may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko. Hindi ako pwedeng magkamali… ang boses na ‘yon…   Unti-unti kong iniangat ang ulo ko hanggang sa nagtama ang aming mata. Bumungad sa akin ang maaliwalas nyang mukha na may naka ukit na ngisi sa kaniyang labi. L.A.'s POINT OF VIEW:   Nakakabingi ang katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga machine na nasa kaliwa ko.   Iginalaw ko ang daliri ko at dahan-dahang iminulat ang aking mata. Malabo man ang paningin ko pero agad na bumungad sa akin ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa itaas.   Dahan-dahan kong itinaas ang braso ko at tsaka ko kinusot ang mata ko hanggang sa unti-unti itong luminaw.   Tama nga ako. May ilaw sa itaas ng ulo ko na naka lagay sa ding ding. Sunod kong ibinaling ang tingin ko sa kanan ko at bumungad sa akin ang malawak na salamin kung saan nakikita ko ang labas at isang lalaki na naka suot ng kulay puting lab coat na marahil ay isang doktor. Sunod kong ibinaling ang tingin ko sa kaniyang mukha. Doon ko napagtanto kung sino ito. Sya ang direktor ng ospital na ito. Sa edad niyang 44 ay mukha pa rin siyang nasa 30.   Nang makita niyang gising na ako ay agad siyang pumasok sa loob ng silid na hinihigaan ko.   "How are you?" tinignan niya ang kabuuan ko tsaka muling tinignan ako sa mata "May masakit ba?" biro nya. Matik akong napatawa hindi dahil sa joke nya kundi dahil kung gaano ka-corny ang joke nya.   "Pwede na ba akong lumabas?" tanong ko   "You still need to rest"   "Ayos na 'ko"   "Mahina pa ang katawan mo. Malakas din ang impact ng pag untog mo sa lupa. Kung 'di dahil sa binigay sayo ng tatay mo edi sana patay ka na" napangiwi ako dahil sa kaniyang sinabi nang bigla ko namang maalala sina Patrick at Brent   "Y-yung mga kaibigan ko, ayos lang ba sila? Wala ba'ng nangyaring masama sa kanila?" nag aalalang tanong ko.   Nakangiting umiling si Dok James. Wala pa man siyang sinasabi ay agad na guminhawa na ang pakiramdam ko, "Gas gas, sugat at kaunting fracture lang sa buto ang nakuha nila. Kung 'di dahil sa'yo edi sana patay na sila-"   "Alam mo, ang hilig mo sa mga ganyang linyahan," pang-aasar ko kahit totoo naman. Agad siyang natawa, "Ano nga palang... sabi ng mga pulis? Bakit daw kami kinidnap?"   "They kidn*pped teenagers and children for human trafficking and also for money. Fortunately, nalaman agad nila kung saan ang hideout ng mga loko kaya nailigtas nila yung mga bata," napangiti ako "Ah! I forgot to tell you," nangunot ang noo ko. Ano nanaman? "Your father will visit you this afternoon," Dahil sa gulat ay agad na nanlaki ang mata ko.   Ano nanama'ng gusto niya?!   "Aalis na 'ko," kahit ramdam ko ang hina ng katawan ko ay pilit akong umupo.   "You still don't want to meet him?" tatayo na sana ako nang bigla nanaman siyang magsalita. Agad akong napa buntong hininga at binaling ang tingin ko sa gilid. "C'mon, Leth-"   "Pupuntahan ko yung mga kaibigan ko," agad na sabi ko at tsaka tumayo. Inalis ko ang karayom na nska tusok sa ibabaw ng kamay ko at naglakad palabas ng E.R. Agad na nagtinginan ang mga nurse sa akin dahil malamang ay bawal pa akong lumabas. May balak pa ata silang lapitan ako pero sinenyasan sila ni Dok James na hayaan nalang ako.   Dumiretso ako sa hospital ward para hanapin sina Patrick at Brent. 'Di kalayuan sa akin ay natanaw ko si Brent na kumakain ng tsitsirya at dahil busy sya sa pag kain ng tsitsirya ay hindi nya agad napansin ang presensya ko. Sunod na hinanap ng paningin ko si Patrick hanggang sa dumapo ang mata ko sa katabing kama lamang ni Brent na tanging kurtina lamang ang nakaharang sa pagitan ng kama nila.   Lalapit na sana ako nang mapansin ko ang lalaki na nakatalikod sa akin. Napansin ko rin ang mukha ni Patrick. May halong pangamba at lungkot iyon. Muli kong nilingon ang lalaking kaharap ni Patrick tsaka ko napagtanto kung sino ito.   Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila para maging ganyan sila katahimik at ka-awkward sa isa't isa.   Kusang umukit ang ngisi sa labi ko tsaka muling nilingon si Patrick, "Ano 'yan, ha?" pang aasar ko. Agad naman na nilingon ako ni Izel at itong si Patrick ay dahan-dahang iniangat ang kaniyang ulo upang lingunin ako hanggang sa nagtama ang paningin namin.   Kitang-kita ko ang pag kislap ng mata ni Patrick at unti-unting pamumuo ng kaniyang luha.   Tinaas-baba ko ang kilay ko tsaka humakbang palapit kay Izel, "Nandito ka pala? Tapos na ang klase dapat dumiretso ka nalang sa inyo- " natigilan ako nang hapitin niya ang bewang ko papalapit sa kaniyang katawan at yakapin ako ng sobrang higpit na para ba'ng ayaw na niya akong pakawalan.   Napangiwi ako at pinigilan ang pag hinga ko dahil hindi ako komportable sa pag yakap nya sa akin. Naka tuon naman ang paningin ko kay Patrick na ngayon ay nakangisi na na para ba'ng inaasar kaming dalawa. Siya dapat ang inaasar ko dahil kitang kita ko ang marka ng luha niya sa kaniyang pisngi.   Itutulak ko na sana papalayo si Izel nang marinig ko ang kaniyang pag hikbi at unti-unting pagbasa ng manggas ko. Palihim kong sinilip ang kaniyang mukha tsaka ko napagtanto na umiiyak pala sya.   Alinlangan kong hinagod ang kaniyang likod para patahanin sya. Hindi kasi talaga ako sanay sa ganito. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang drama dahil na-iilang ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.   "Sama naman diya'n oh!" gulat kong nilingon si Letson na papatakbo sa gawi namin. Bago pa niya kami tuluyang mayakap ay agad kong tinulak si Izel dahilan para muntikan nang madapa si Letson sa sahig, "Alam nyo, ang sama nyo!" aniya habang inaayos ang kaniyang damit.   "Tsk!" iyon lamang ang tanging nasabi ko sabay iwas ng paningin sa kanila.   "L.A." Tawag sa akin ni Patrick kaya agad ko naman siyang nilingon,"Ok ka na ba? 'diba galing ka sa E.R.?" saglit akong natigilan tsaka ako nag isip ng magiging palusot ko.   "O-oo nga. P-pero sabi ng mga doktor unti lang daw yung natamo ko kaya... pwede na akong lumabas" sabi ko at pilit na ngumiti. Ano bang klaseng dahilan 'yan? Kaya nga ako nasa E.R. dahil malaki ang natamo kong injury, "E-Eh, ikaw? Wala ba'ng masakit sa'yo?" nakangiti naman siyang umiling.   "I'm perfectly fine plus gwapo pa rin," pagmamalaki niya. Pilit na lamang akong tumango. Isa iyon sa paraan ko ng pagsabi na 'Oo nalang'   Pagkatapos ng ilang araw na pananatili sa ospital ay sabay-sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko. Dumiretso kami sa bahay namin at napag-usapan rin namin na um-absent bukas hindi dahil sa nangyaring insidente sa amin kundi dahil may importante kaming lalakarin. Kaya sa mga bata diya'n, huwag nyo kaming gagayahin ah? Para lang 'to sa mga experts tulad namin.   Nagkita-kita kami sa Big Day. May naka usap daw kasi si Letson na may isang grupo ng manlalaro ang gustong makipag team sa amin. Gusto ko naman makilala kung sino-sino sila kaya nakipag kita nalang kami sa Big Day, at syempre para ma-test ang kanilang skills, maglalaban kami ngayon ng ML.   Sinabi ko rin na agahan nila dahil tuwing hapon ay napupuno ang Big Day kaya pumayag naman sila.   Nasa computer number 18 ako habang si Patrick ay sa 19, si Letson ay nasa 20, at si Izel ay nasa 21. Hindi pa kami nagbabayad kaya hindi pa kami nakakagamit dahil nga baka masayang lang ang oras at pera namin.   Pag patak ng 11:00 a.m. ay bumukas ang pinto ng big day. Bumungad sa amin ang tatlong kalalakihan. Ang isa sa kanila ay naka jersey pa-teka lang... pamilyar ang mukha ng isa sa akin.   "Oy! Si Azrael Dela Vega!" sigaw ni Letson habang nakaturo sa lalaking naka suot ng jersey.   "Anong ginagawa nya dito?" rinig kong bulong ni Patrick sa tabi ko.   Natatandaan ko na kung sino 'yung lalaking naka varsity! Sya si Azrael tulad nga ng sinabi ni Letson. Matalino ang kupal na 'yan at MVP lagi sa t'wing may laban ang school namin sa basketball. Mayaman din daw ang pamilya nya at talagang napaka bait. Dag dag mo nalang yung ka-gwapuhan nya. Kaya ang tawag sa kanya ay Mr. Perfect, pero may kutob ako na may tinatago ang kupal na 'to. Tandaan, walang taong perpekto.   "Kayo ba yung team Omega?" Tanong ng isa nilang kasamahan dahilan para magtinginan kaming lahat.   'Wag niyang sabihin...   "Kami nga pala yung gustong makipag team sa inyo," agad na napatayo ang tatlong kaibigan ko kaya nakigaya na rin ako sa kanila. Unang nakipag kamay sa amin yung lalaki naka uniform pa at bukas ang butones. Akala nya i-ki-na-guwapo nya.   "May babae pala kayong kasama?" hindi nya makapaniwalang sabi kaya nangunot ang noo ko, "Christian Guzman nga pala, nice to meet you," pilit na lamang akong ngumiti tsaka inabot ang kaniyang kamay. Sunod namang nakipag kamay sa amin yung lalaki na hanggang balikat ang haba ng buhok. In fairness, may dating ang isang 'to.   "Tristan Miranda," nakangiti nyang sabi dahilan para lumabas ang kaniyang dimples. Sunod naman na nakipag kamay si Azrael. Todo ang ngiti nya. Hindi ba sya nangangalay?   "Azrael Dela Vega," pilit ko lamang syang nginitian. Oo nga pala, magkakilala rin sila ni Izel dahil magka-team ang dalawang 'yon pagdating sa basketball.   Nag si upo sila sa kabilang hilera kung saan katapat namin sila. Alam na rin nila na maglalaban kami kaya mukhang pinag handaan nila 'to dahil kung ako nag tatanungin, hindi pala-cutting si Azrael kaya upang hindi mahuli ay gumawa ng plano ang mga kumag na 'to.   "Sino hero mo?" tanong sa akin ni Patrick.   "Si Eudora sana kaso nag dadalawang isip ako eh" nakangiwi kong sabi habang naka tingin sa screen.   "Huh? Bakit naman? Lagi mo naman syang ginagamit ah?"   "Alam mo kung bakit?" nilingon ko sya, "Dahil kay Azrae,l" mahinang sabi ko. Mabilis naman niyang sinulyapan si Azrael at muling binalik ang tingin sa akin.   "Nakaka gulat nga dahil hindi ko akalain na nag lalaro pala sya ng ML"   "Alam mo namang matalino ang isang 'yan, malamang may nabuo na syang plano sa isip nya"   "Sus! Kaya mo 'yan!" nakangiti nyang sabi sa akin at muling ibinalik ang tingin sa screen ng PC.   Sa huli ay pinili ko si Eudora. Malakas ang combo nya at 'yun ang nagustuhan ko sa kaniya.   Sa gitna ng laban ay naramdaman ko ang likidong tumutulo sa mata ko. Agad kong hinawakan kung ano ito at pag tingin ko ay bumungad sa akin ang itim na likido. Agad kong nilingon sina Patrick at iba pa naming kasamahan. Nang makitang hindi sila naka tingin sa akin ay kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ito ngunit sadyang hindi sya tumitigil sa pag tulo kaya naman ay palihim akong pumunta sa banyo at i-n-i-lock ang pinto. Humarap ako sa salamin at binuksan ang gripo. Sunod sunod ang pag hilamos ko habang ang tubig ay nagiging itim na dahil sa likidong tumutulo mula sa mata ko. Napag desisyunan kong alisin ang Artificial Intelligence Contact lense ko na gawa ng tatay ko. Hinugasan ko ito at muling lumingon sa salamin. Patuloy pa rin ang pag apaw ng likido sa mata ko kaya hinayaan ko nalang ito. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na ito sa pagtulo. Nilagay ko muli ang AI contact lense ko at hinugasan ang kamay at braso ko. Sunod kong tinapon ang panyo ko sa basurahan at lumabas na ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD