Zarren P.O.V "Pagpasensyahan nyo na ako mga bata kanina ha di ko lang talaga maiwasan ang hindi umiyak. Pasensya na rin ulit sa abala at salamat sa lahat. Aalis na ako.-" Mrs. Garcia. "Ate wag mo sya paalisin please. Pakisabi andito ako sa tabi nya. Please ate.-" nagmamakaawang sabi ni Remie sa akin. Gustuhin ko man sabihin di ko magawa kasi baka di sya maniwala at isiping sira ulo ako. Naramdaman ko naman na humawak sa balikat ko si Mumu. Alam kong gusto nya rin sabihin ko na nakakakita ako ng multo at isa na dun si Remie. "Gusto mo bang ako na lang ang magsabi?" bulong ni Rusty. Napaisip tuloy ako. Tanging ito na lang ang kaya kung itulong kay Remie ipagkakait ko pa ba? Napansin kong aalis na sana ang mama ni Remie kaya pinagpasyahan kong pigilan ito. Huminga ako ng malalim tska ako

