MUMU P.O.V "Balak mo bang palitan si Remie dyan?" sabi ko kay Zarren parati na lang kasi syang nakaupo dito sa pwesto ni Remie. "Namimiss mo ba sya?" tanung ko pa. Tumingin naman sya sa akin. "Medyo. Sino ba naman ang di makakamiss sa batang yun. Bunso natin yun e." sabi nya ginulo ko naman buhok nya. "Tss. Halika na. Pumasok na tayo baka may makakita nanaman sayo. Magmukha ka nanamang tanga.-" alok ko sa kanya tapos pumasok na kami sa bahay. Almost 2weeks na simula ng sinundo ni Joan si Remie o mas tamang sabihin na nahanap na ni Remie ang tunay na kapayapaan. Nung gabing yun akala ko talaga magmumukmuk nanaman si Zarren pero mali ako. Natanggap nya naman pero kahit ganun alam kung malungkot parin sya sa pag-alis ni Remie. "Akala ko talaga mag--" ako "Akala mo magmumukmuk nanaman

