Zarren P.O.V "Sigurado ka ba? I mean sigurado ka na ba balikan ang lahat?" sabi ko. "Oo.-" matipid nyang sabi. "Suportado ka namin-" Mumu. "Salamat. Sa totoo lang natatakot ako balikan ang nakaraan. Simula ng namatay ako ni minsan di ko na dinalaw ang mga taong may kaugnayan sa akin. Pinili kung piliin ang maging ligaw na kaluluwa.-" seryosong sabi ni Alliyaah. "Panahon na siguro alamin ko ang dahilan kung bakit hanggang ngayon di parin ako makaalis sa mundong to.-" dagdag pa nito. *************** Nasa tapat kami ng isang maliit na bahay o mas dapat ko atang tawaging bodega sa sobrang kalat at napakaraming nakatambak at worst pa nito may mga nakavandal sa mga dingding nito. "Sigurado ka bang bahay to? Eh mukha naman tong--" siniko ko na si Mumu bago nya pa maituloy ang sasabihin ny

