Zarren P.O.V
"Nagugutom na ako. San kaya nagpunta yung multong yun? Pagkatapos nya akong sanayin pakainin ng masasarap na luto feeling ko tuloy nag-iinarte na ang tiyan ko di na kasi ako nakukuntento sa noodless.-" dahil nga sa gusto kung kumain at wala akong gana magluto pa, naisip kong kumain na lang sa labas. Bihira ko lang naman to gawin e.
Naglakad-lakad ako para maghanap ng makakain pero may umagaw ng pansin ko. Isang makulay na resto sa gitna ng mga talahib. Ngayon ko lang napansin na may resto pala dito.
Nakita kong puno ang resto mula sa labas kitang-kita ko ang nagsasayang mga tao at nabasa ko sa signboard nila na mura lang daw ang pagkain nila kaya di na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na ako.
Pagpasok ko napatingin ang lahat sa akin. Umupo ako sa natitirang vacant seat may lumapit naman sa aking waiter.
"Good evening ma'am. Ito po ang menu.-" sabi ng waiter tapos umalis na sya.
Habang namimili ako ng ma-oorder may biglang kumalabit sa akin. Pagtingin ko isang bata na may hawak na manika.
"Ate laro tayo-" nakangiting sabi nya. Gustuhin ko man makipaglaro pero di pwde kasi pumunta ako dito para kumain hindi para maging taga-alaga ng bata.
"Bata di kasi pwde e. Gutom na kasi si ate pwde ba sa iba ka na lang makipaglaro-" sabi ko sa kanya tapos nagbasa ulit ako ng menu pero sadyang makulit yung bata.
"Sabi ko maglaro tayo-" ang creepy ng boses nung bata akala mo nagbabanta.
"Di nga pwde. Pumunta ka na lang sa mama mo ha-" pinilit kong maging nice sa bata kahit ang sama ng tingin ng bata sa akin tapos yumuko yung bata. Hala umiyak na ata. Nasan ba ang nanay nito? Tumingin ako sa paligid pero napalunok na lang ako ng laway na mapansin kong lahat ng tao sa resto ang sama ng tingin sa akin as in nanlilisik. Ang lalong kinagulat ko ng bigla akong hawakan ng bata sa braso sabay tingala sa akin. Halos di ako makapagsalita sa nakikita ko.
"ANG SABI KO MAGLALARO TAYO !! - halos natumba ako sa inuupuan ko ng makita ko ang mukha ng bata. Nakakadiri ang mukha nya.
Sunog ang kalahati ng mukha nya. maputla at puno ng dugo ang buong katawan nya pati ang hawak nyang manika, ang lalo kinatakot ko may hawak na kutsilyo ang bata kaya tinulak ko yung bata. Pagtingin ko sa paligid lalo akong nagulintang na lahat sila ay mukhang naaknas na at sunog ang mga mukha pati ang resto na kanina mukhang masayang kainan ngayon talo ko pa ang nasa haunted house dahil luma at sunog na building na lang ang nakikita ko.
Sa takot ko agad akong tumakbo papuntang pinto pero ayaw mabuksan. Halos manginig ako sa takot ng makita kong palapit lahat sila sa akin.
"WALA KA NG MAGAGAWA PA.-" nakakapanindig balahibo ang boses ng bata animo'y galing sa ilalim ng lupa yung boses nya. Lalo tuloy akong natakot.
Gosh ito na ba ang katapusan ko.?
Di naman ako na inform ni Author na hanggang CHAPTER 10 lang to. Tska bakit parang ang pangit naman ng ending ko. Ang sagwa naman ata ng pagkatamatay ko. Kung alam ko lang na ganito ang ending ko maaga na sana akong lumandi. Ni hindi ko pa nga nakikita ang bias ko.
Patawad Luhan di pa man tayo nagpapakasal balo ka na agad. Hanggang dito na lang talaga siguro ako mabuti pa siguro na tanggapin ko na lang na sa kamay ng mga multong to magwawakas ang buhay ko.
Goodbye philippines !!!
Goodbye world !!!
"Humanda ka na para sa kamatayan mo-" nakakalokong ngiti nung multong bata. Lahat naman sila kunti na lang ang agwat mula sa akin. Naka-ambang na sya para saksakin ako.
Huminga ako ng malalim. Ready na ako tanggapin ang kapalaran ko maging simula sana ng WORLD PEACE ang kamatayan ko.
"Sige patayin nyo na ako.-" sabi ko with open arms. Naramdaman ko naman na lalong silang lumapit. Handang-handa na sana ako ng may maalala ako. Hindi man lang ako makapagpaalam sa mahal ko sa buhay.
"WAIT !!! TIME FREEZE MUNA.-" sabi ko huminto naman sila.
"Bakit?" -medyo may pagkacreepy yung boses nya.
"Total papatayin nyo na rin lang naman ako. Pwede magrequest.?-" tanung ko.
"ANU BA YUN?" tanung nya.
"Pwde humingi ng papel? Samahan nyo na rin ng ballpen. Yung blue ha, ayoko kasi ng black e. Please.-" magiliw na sabi ko. Kahit nagtataka sila binigay nila yung request ko.
Nagsimula na akong sumulat. Gagawa ako ng sulat para sa sa mga mahal ko sa buhay.
Dear Boss,
Baka sa mga oras na binabasa mo ito. Patay na ako. Malamang sa malamang naliligo na ako sa sarili kong dugo. Ganun po talaga ata. Ganito na talaga ang katapusan ko. Tska total mamatay na ako may aaminin po ako sa inyo. Natatandaan nyo po ba yung mga hinahanap yung dalawang dosenang baso? Aamin na po ako di po talaga yun nawala. Nabasag ko po talaga lahat. Hahaha. Sorry po tska yung lalaking costumer na nagreklamo sayo sinuntok ko daw sya. Totoo po yun. Ang angas po kasi e. Sarap sapakin e.
hanggang dito na lang po siguro. Ingat ka boss. Mahal kita.
P.S dadalaw-dalawin na lang po kita.
Nagmamahal,
Zarren.
Pagkasulat ko tiniklop ko na at nagsulat naman ako para kila Mother Superior at Sister Aileen.
Dear Sisters,
Mother Superior at Sister Aileen. Sure naman po ako nahabang binabasa nyo to. Patay na ako. Wag po kayong iiyak ha. Pag-umiiyak pa naman po kayo pati yung tissue sa C.R nauubos nyo po.
Gusto ko lang po sana magpasalamat sa lahat. Isa po kayo sa mga nagpalaki sa akin kahit na medyo confused po ako kung lumaki ba talaga ako? Hahaha.
Mother Superior naalala nyo po ba yung bata pa ako nung kumakain po tayo ng goto para sa agahan. Aamin na po ako yung nakain yung malutong na inakala yung sahog nung goto. Ipis po talaga yun. Pinirito lang po namin tapos dinurog tapos nilagay po kinakain nyo. Pasensya na po alam nyo naman bata pa ako nun kaya madami pa akong kapasawayan pero atleast nagustuhan nyo yung lasa diba sabi nyo pa nga masarap.
Bsta mag-iingat po kayo. Yaan nyo magrerequest ako sa langit na habaan pa ang mga buhay nyo. Pramis yan.
Nagmamahal,
Zarren.
After ko gawan ng sulat para kila sister nag-isip pa ako ng taong susulatan ko. Sino pa ba? Si Unteng kaya? Kahit papanu close naman kami kahit parati nyang pinapagana ang kabaliwan nya. Sige na nga. Susulatan ko na nga sya para naman di sya magtampo.
Hoy Unteng,
Bantayan mo si Boss ha. Wag mo ako mamimiss ha.. Yaan mo sasabihan ko agad si San Pedro na isunod kana.
P.S: Aantayin kita. Sa langit.
Paalam.
Zarren to.
Pagkatapos ko magsulat ibinigay ko yung sulat sa isa sa mga multo.
"Last favor na lang. Ilagay mo yan sa tabi ng bangkay ko pagkatapos nyo akong patayin ha.-" seryosong sabi ko. Ito na talaga kataposan ko. Kailangan ko bang umiyak? Dapat ba dramatic ang scene ko.?
Haist bahala na. Tatanggapin ko na lang to.
"Handa na ako. Patayin nyo na ako.," sabi ko at nagsign of the cross pa ako. This is it. Boung lakas kong yayakapin ang kamatayan ko. Lord salamat sa pahiram nyong buhay.
"IKAMUSTA MO NA LANG KAMI KAY SAN PEDRO HAHAHAHA--" nakakatakot na sabi nya dagdag pa akong nakakatakot nilang mukha
Napalunok ako ng maramdaman ko na ang malamig na kutsilyo. Pinikit ko na ang mata ko para tanggapin ang masaklap kung kamatayan pero lumipas ang ilang minuto at wala paring lumalaslas ng bituka ko bagkus nakarinig ako ng impit na pagtawa. May narinig akong pamilyar na boses.
"Okey guys thats enough. Hahahaha masyado nyo naman tinakot whahaha--" halos mawalan sya ng hininga kakatawa. Ang walang-ya si Mumu pala to.
"Hahahaha-Okey sabi mo e-" sabi nung bata tapos lumayo na sya sa akin tapos yung mga mukha nila bumalik sa maayos at lahat sila nakangiti at tinatawanan ako.
"Pinagtitripan nyo lang ba ako? Di nyo ako papatayin?-" tanung ko. Nangangatog parin ako.
Malambing naman na lumapit sa akin yung bata kanina.
"Sympre naman hindi. Bakit ka naman namin papatayin. Whahaha natuwa lang kami sayo. Kasi kadalasan naman lasing lang ang naloloko namin e. Pero nagulat kami ng kumagat ka. Whahaha-" tawang-tawang sabi nya. Tama bang tawanan ako.
"Ikaw naman kasi Zarren. Hanggang ngayon ba di mo parin ba malaman ang illusyon sa totoo? tsk.tsk.-" sabi ni Mumu. What the?
"So alam mo naniloloko lang nila ako?-" ako.
"Oo naman alam nya. Sa totoo lang nagpa-alam kami sa kanya natatakot ka lang namin saglit. Kilala ka daw nya kaya okey lang daw.," sabi naman ng batang multo.
Anu? Talagang alam nya at hinayaan nya lang ako mamatay sa takot. Pesti sya. Sa asar ko nagwalkout ako.
Nakakaasar talaga sya.
>>>>>> NEXT CHAPTER