Another NOODLES Monster

2138 Words

boogsh !! Nagising ako ng nahulog ako sa sofa. Nakatulog pala ako. Napahawak ako sa bandang likod ko. Letche ang sakit. Napakagandang umpisa ng araw. Peste. Pagtayo ko dumeretso na agad ako sa banyo para maligo. Maaga akong nag asikaso para maaga akong makapasok. Paglabas ko ng gate nakita ko si Remie. Agad ko naman syang nilapitan pero ng nakita nya ako bigla na lang syang tumakbo at naglaho. "Remie" bulong ko na lang sa sarili ko. Galit na yata sya sa akin. Sabagay karapatan nya naman magalit e. Grabe naman kasi ang ginawa ko. Napabuntong-hininga na lang ako at pumunta na lang ako sa bakeshop. Pagdating ko deretso na agad ako sa mga gawain ko sa shop. "Zarren may problema ka ba?" nagulat ako ng tapikin ako ni Boss sa balikat. "W-wala po." matipid kung sagot. Di na ulit nagtanung si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD