ZARREN P.O.V "Talaga bang pinapatay ka? Boung akala ko talaga namatay ka lang sa atake sa puso.-" usisa ni Mumu kay Lolo Tanda. "Ganun din ang inakala ko."- Gain. "Isa akong journalist sa sikat na newspaper. Sinasabi ko lahat ng gusto kung sabihin. Wala akong takot na ilantad ang pangalan ng mga taong tinutukoy ko sa mga article ko. Suki sa mga article ko ang mga gahaman na pulitikong yun pero di ko inakala na aabot sa pagpatay ang kaya nilang gawin.-" nakayukong kwento ni Lolo Tanda. "Pauwi na kami ng anak ko ng araw na yun galing kami sa Graduation Ceremony nya nun.-" biglang lumungkot ang boses ni Lolo Tanda. Huminga sya ng malalim bago magsimula ulit magkwento. "Habang nag-aantay kami ng masasakyan sa Bus stop nagpa-alam saglit ang anak ko nabibili lang sya ng ipapasalubong sa asa

