ZARREN P.O.V Isang malakas na pagyugyug ang nagpagising sa mahimbing kong tulog. Nagpanic lahat ng nerve cells ko at nabuhay pati ang dugo ko. "Lindol !!??" nagpapanic na sigaw ko ng mapabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil lalo pang lumakas pero pagdilat ko at bago pa ako makatayo may bumato ng isang unan kaya muli akong napahiga at kasabay nun ang paghinto ng pagyugyug ng kama. "Anu gising ka na ba?" rinig kong sabi ni Mumu. Pestii. Sya ba may kagagawan nito. "Pesti ka !! Akala ko lumilindol. Wala ka bang magawa?" galit na sabi ko ng matanggal ko sa mukha ko ang nakaharang na unan. "Medyo." pang-asar nya pa. Napa-irap na lang ako sa inis. "Anu? Wala ka pa bang balak tumayo dyan? Ang taas na ng araw tapos nakahilata ka parin dyan. Bilisan mo na at lumabas ka na ng kwarto." pokerfa

