KABANATA 2

1168 Words
Nagsimula na ako lumabas ng dressing room, suot ang itim na terno na panty at cardigan na itim hanggang talampakan. Nagpa ikot-ikot kami sa stage kasama ang ilang mga babae kasama ko sa trabaho. Maya-maya lamang ay isa-isa na kami mag sumayaw at nagsimula na ang show. "Bakit ngayon ka lang? Nakatulog ka na naman sa banyo, noh?" pabulong na saad ni Thelma sa akin. "Always. 'Wala naman bago," turan ko at nag simula na bumaba sa tatlong baitang ng maliit na stage. Inikot ko ang mata sa kabuuan ng club, maya-maya lang ay lumapit si Tita Vien at ang tatlong bouncer. "Kanina ka pa hinihintay ni Sir, Fredo sa v. i. p. room. "Nandito siya?" nabibiglang tanong ko. "Always, darling," nakangisi wika nito. "Ayoko, Tita," madiin na sagot ko. "A-ano?! Paki ulit ang sinabi mo," turan nito. "Muntik na ako gahasin ng lalaking iyan," sambit ko at mabilis mahigpit hinawakan nito ang braso ko. "Boba, hindi uso iyan dito! Tyaka hindi ba dalawang taon ka na dito, dapat alam mo na hindi uubra iyang dahilan mo!" sikmat nito. "Hindi ako nag dadahilan, totoo ang sinabi ko," turan ko at mahina ito natawa. "Totoo or hindi, i dont care! Gawin mo ang trabaho mo, and why not Yasha. Isang taon na nanliligaw sayo si Sir, Fredo. Kaya if i were you, magiging good girl na lang ako," mahabang turan nito at padabog binitiwan ang kamay ko. "Sige na! Dalhin ninyo iyan kay Sir, Fredo." Utos nito sa tatlong lalaki. Nang makapasok sa v.i.p ay nagtama ang mga tingin namin ni Fredo, sumenyas ito sa limang batay na tauhan nito at lumabas ang mga ito. Sumenyas itong umupo ako at dahan-dahan ako naupo. "I am here to apologize for what I did to you, Yasha," seryosong wika nito. "Gusto ko umalis ka na, dahil hindi ko matatanggap iyang apologize na hinihingi mo," mariin kong turan at mabilis tumayo sa mahabang sofa ngunit agad tumayo at pinigil ako nito. Tinabig ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko at malakas binigyan ng sampal ito, hindi pa ako nakuntento at muli sinampal sa kabilang pisngi at tinulak ng malakas. "Kung gusto mo ng parausan, marami rito! Pumili ka Fredo, pero huwag ako Fredo! Utang na loob!" galit na turan ko rito. Hinila ako nito at mabilis na niyakap. "I'm sorry Yasha, hindi ko lang napigilan ang sarili ko," bulong nito habang yakap ako. "Bitawan mo ako," sikmat ko. "Yasha, just forgive me. I will never do it again," sambit nito. Sandali ako na tahimik, hindi lingid sa kaalaman ko ang problema nito sa asawa niya. Nalumpo ang asawa niya at hindi nito kasundo, hindi ko ito masisi kung bakit nag ka ganoon siya nang araw na iyon. Pero ang hindi ko maintindihan bakit sa dami ng mga babae rito ay ako pa ang natipuhan at pinagtiisan nito kahit alam naman nito na 'wala naman siyang mapapala sa akin ngunit tila hindi napapagod. Tinanggap ko ang sorry nito, pero humingi ako ng pabor rito. Ayoko na gagamitin niya ang trabaho ko para maisama lamang niya ako sa kung saan niya gustong pumunta. 'Wala kaming ginawa ni Fredo sa loob ng v.i.p room kung hindi manood lamang sa malaking flat screen na telebisyon sa kuwarto. Umiinom lamang kami at nag usap. Mabait naman sa akin si Fredo, kaya kahit ganoon ang nagawa niya sa akin ay mabilis ko tinanggap ang patawad rito dahil isang taon na ako nililigawan nito. Hindi ko naman pwedeng itapon lahat ng kabutihan na nagawa niya sa akin sa isang pagkakamali lamang, binigyan ko lang siya ng isa pang pagkakataon. Pero ayoko at hinding hindi na mauulit ang nangyari. Maputi at balingkinitan akong babae, kulot at mahaba ang buhok ko. Blonde rin ang kulay ng buhok ko, ayoko ng kulay ng buhok ko pero ito ang gusto ng manager rito. Mas makulay mas better daw, wika nito. Matapos ang trabaho, lumabas akong kasama si Thelma. Inabutan ako nito ng yosi at sinindihan. "May klase ka na bukas?" tanong ni Thelma. "Meron na," turan ko. "Ang tuition mo nabayaran mo na?" tanong nito at umiling ako rito. Meron itong kinuha sa bulsa ng fitted na pantalon suot nito at inabot sa akin, "Hiramin mo muna iyan. Hindi ko pa naman kailangan," wika nito. Malawak akong napangiti at nag salita. "Ayan ang gusto ko sayo, Thelma. Sige babayaran kita next month," nakangiting wika ko. "Doble iyan dapat, ha?!" wika nito. "Ano ka?!" sabat ko. "Oo nga pala, bakit hindi mo na lang ilipat kasi ang nanay mo sa public na mental hospital. Para hindi ka na magkandaugaga diyan. E' iyong mental lang ang pinayayaman mo. Baka sa susunod dalhin na rin kita roon sa pag pressure mo dkyan sa sarili mo," mahabang paliwanag nito. "Mas inaalagaan si Mama roon, mas kampante ako kasi ligtas at inaalagaan siya ng mabuti roon," turan ko. Nang maubos ang sigarilyo ay nalaglag sa sahig at tinapakan ng suot namin na heels, akmang paalis na sana kami pero lumapit ang limang lalaki suot ang itim na suit. "Hinihintay ka ni Sir, Fredo sa sasakyan." baling ng lalaki nang makalapit. Nagkatinginan kami ni Thelma matapos mag salita ang isa sa limang lalaking lumapit sa amin. "Okay, let's go boys," wika ni Thelma na kinatawa ko. Talaga itong kaibigan, napaka kakaiba. Kahit nagmumukhang bading na ito sa ayos at pananalita ay ito na ang tumayong Ate, Ina at sino pa sa buhay ko. Madalas ako nito pasayahin kapag alam niyang nalulungkot na ako, mga bata pa lamang kami ay kaibigan matalik ko na ito. Ito rin ang nag pasok sa akin sa club, pinatuloy rin ako nito sa apartment niya noong umalis ako sa bahay namin para mag trabaho. Naging tulay ko siya sa lahat ng nais na gawin ko sa buhay ko, at iyon ang madala sa mental hospital si Mama. At kahit malaki ang binabayaran ko roon ay ayos lang dahil malaki naman ang kinikita ko sa club, hindi naman ako nagigipit dahil nasa tabi ko si Fredo. Ayoko man aminin ngunit kay Fredo nang gagaling ang mga nagastos ko sa Tuition fee ko, hindi ko na kakayanin pa bayaran ayon sa laki ng binabayaran ko sa hospital at gamot ni mama. Kaya't kahit mahirap ay lumalaban pa rin ako. Nasa back seat kami ni Fredo, habang sa harap nakaupo si Thelma at ang driver. Meron rin nakasusunod sa likuran namin na sasakyan at mga tauhan ni Fredo. Habang nakatanaw sa bintana ay binalingan ako ni Fredo at hinawakan ang kamay ko. "I'll pick you up tomorrow after your class," wika nito. "Sa-saan tayo pupunta?" tanong ko. "Ipapasyal kita, alam kong bored ka na at stress sa nagdaang araw," wika nito. Tipid ako ngumiti at hindi na sumagot pa, binaling muli ang tingin sa bintana at naalala ang mukha ng anak ni Fredo noon habang galit itong kinaladkad ako palabas ng mansion. "Fredo," mahinang tawag ko rito at lumingon ako. "Marami pala akong gagawin bukas, may thesis ako bukas kaya hindi ako pwede," wika ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD