Chapter 55 Nine PM, nakasakay ako sa aking Chevy along C6, papasok sa isang eskinita na may ilang warehouse na nakatayo. Pinasok ko ang sasakyan ko sa ikatlo’ng bodega, ang pinaka malaki sa lugar na iyon. May mga sasakyan doon. Madilim ang lugar, pero makikita na puros mamahalin ang mga ito. Matapos mag park ay dumiretso ako sa pintuan sa likod ng bodega. May bantay rito, malaking lalaki na mukhang kaya ako’ng pabagsakin ng isang suntok lang, pero kung tama ang hinala ko, ay wala siya’ng laban sa akin. ”Ano po’ng kailangan nila-” natigilan ang lalaki. Napakapit siya sa ulo niya at napaluhod. Pilit pa ito’ng tumayo, ngunit bumagsag din nang tuluyan. ’So, mukhang puro alpha nga ang mga bantay rito.’ isip ko, matapos magpakawala ng malakas na pheromone. ’He could have at least hi

