Chapter 21 Ipinaghain ni ate Blessing si Joshua na umupo sa tabi ko sa mahaba naming mesa. Bumalik si Papa sa kabisera, samantalang pumuwesto si Mercy sa kaliwa n’ya. “`Wow, ngayon lang uli ako makakakain ng dinner na maraming kasama!” masaya’ng sinabi ni Joshua na hindi maitago ang kanyang excitement. “Bakit? Wala ka bang ibang kapatid?” nakangiting tanong ni ate Blessing. “Meron, pero alpha pareho ang half brothers ko, kaya hiwalay silang kumakain sa akin.” sagot n’ya habang sumasandok ng ulam naming mechado. “Si mama naman, laging kasama ang step father ko abroad.” “So, sino’ng kasama mong kumakain?” tanong uli ni ate. ”May yaya ako,” sagot ni Joshua, ”saka si Beck, lagi ko’ng kasama!” ”Beck?” `di ko napigilang magtanong. ”`Yung alaga ko’ng rottweiler.” ”Ah... at nag-aaral

