Chapter 5
I stayed with Zica until he got his heat. It was a good place to run to, lalo na at mainit ang ulo ni papa sa akin. It was a good thing too, that it was a weekend.
His heat started the next day. A day earlier than usual, pero dahil `yun siguro sa kasama siya ako na isang alpha, and a dominant at that.
“Put your collar on.” paalala ko sa kanya nang simula ko nang maamoy ang matapang na pheromones n’ya.
"It's okay, you can bite me if you want." he purred as he hugged me from behind.
"No. Ayoko ng commitment. Alam mo `yun, `di ba?"
Pinanood ko sa salamin kung paano mawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Suggestion lang naman." bumitaw siya sa akin at lumabas ng banyo.
Sa pagtatalik kasi ng isang alpha sa omega ay nagkakaron sila ng instinct to bite.
Pero `di ito basta kink lang.
Sa `di mapaliwanag na dahilan, ang kagat na ito ay nagiging sanhi para matali ang omega sa alpha na kumagat sa kanila bilang 'mate for life'. It doesn’t work both ways though.
Sa ganitong paraan ay habambuhay nang magiging dependent ang minarkahang omega na iyon sa alpha na kumagat sa kanya. Hindi na siya tatamaan ng matinding estrus as long as nakakatalik n’ya ang alpha 'mate' n’ya regularly, which is a good thing. Pero hindi na rin siya makakapag talik pa sa ibang tao.
Ang bawat kapit ng iba ay nakakaasiwa na sa kanila, ang mga halik, nakakasuka, and s*x with anyone other than their mate would be pure torture.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin ang bagay na ito para sa mga eksperto na nagsasaliksik tungkol sa omega strain, pero `di makakaila na totoo ito at hindi basta gawa-gawa lang ng mga omega.
Kaya nga ayoko magkaroon ng mate. Ayokong itali sa aking sarili ang isang tao na hindi ko naman talaga gusto.
"Are you ready for the next round?"
Binati ako ng halimuyak ni Zica sa paglabas ko ng banyo. Mukhang in heat na talaga siya ngayon.
"Nathan... hurry... inside... so hot..." he gasped, his tongue lolling out.
Napangisi na lang ako habang nagsusuot ng bagong kapote.
"Saan ka nanaman nanggaling?" tanong sa akin ni papa pag-uwi ko ng Tuesday.
"Nag-text ako kay ate, sabi ko mag s-stay ako sa bahay ng kabarkada ko for a couple of days."
"Couple of days? Eh, Martes na? Do you even go to school?"
"S'yempre naman." I lied. Madali lang naman ang mga subjects ko, eh, for an alpha like me.
"Tumawag sa akin ang magulang ng omega na pinagsamantalahan mo! Buti na lang at pumayag silang mag-settle!"
"Ayun naman pala, eh, wala nang problema!" nginitian ko ng pilyo ang tatay ko. "Thanks, papa, kasalanan naman talaga nung omega’ng `yun ang lahat, eh! Kita mo, pera lang pala ang habol nila!"
Hindi ko nakita ang kamao ni papa. Bumagsak na lang ako sa sahig sa lakas ng sapak n’ya.
"Damn you, Nathan! Ganyan ba kita pinalaki?!" sigaw n’ya sa akin. "Ano sa tingin mo ang sasabihin ng papa Jonas mo kung buhay pa siya ngayon?!"
Nanahimik na lang ako. In all my 19 years, ngayon lang ako nasapak ni papa, and as another dominant alpha, masakit `yun, ha!
"Hindi ko naman sinadyang galawin ang omega na `yun – "
"May pangalan ang omega na `yun!" singhal ni papa, "Jaydie Daniel ang pangalan n’ya. Isang scholarship student na `di kayang bumili nang mamahaling gamot tulad mo. `Yun ang dahilan kung bakit mahina ang epekto ng suppressants n’ya."
"At kasalanan ko iyon?"
"Oo. Dahil walang dahilan para atakihin mo siya!"
Hindi na ako sumagot uli.
Kitang-kita kasi ang galit sa mata ng tatay ko.
High school students sila papa nang unang magmanifest ang omega strain kay papa Jonas. They where both thirteen. Wala pang suppressants nang panahon na `yon.
Isa si papa Jonas sa mga unang lalaking nabuntis, at dahil sa galing siya sa middle class household, ay isa rin siya sa mga napag-eksperimentahan.
Buti na lang at kilalang judge ang lolo ko. Nagawa nilang tulungan si papa Jonas, dahil na rin sa pamimilit ni papa. Kinupkop nila si papa Jonas para maayos na maipanganak si ate Blessing. Naghanap pa raw talaga sina lolo ng magaling na doktor na nakapagpaanak na ng ilang mga omega. At tuwang-tuwa naman sina lolo dahil babae ang una nila'ng apo.
Alam ko kung gaano ni papa kamahal si papa Jonas. Alam ko rin, hanggang ngayon, hindi pa n’ya napapatawad ang sarili n’ya dahil sa nagawa niyang pag-atake kay papa Jonas dati. Nakita ko ang mga peklat ni papa Jonas. Malalalim na kalmot sa likod at ang marka ng kagat sa kanyang batok. At kahit pa masayang ipinagmamalaki sa amin ni papa Jonas ang mga ito noong buhay pa siya, ay napansin ko rin na tahimik lang lagi si papa tuwing pinapakita n’ya ito sa amin.
"Sorry..." sinabi ko ang alam ko'ng hinihintay ni papa. "Sorry, papa Louie. Hindi po ako nag-iisip..."
"Tsk." tinalikuran ako ni papa. "Siguraduhin mo na hindi na mauulit `to kahit kailan!"
"Opo papa...” sagot ko. ”Sorry talaga..."
"Nathan! What happened to your face?!" tanong ni Jewel nang makita ako kinabukasan.
"Wala, nasabak lang sa kung anong gulo." ngumisi ako, "May na-miss ba ako sa klase?"
"Wala naman." sagot ni Naomi na kumapit sa kanang braso ko. "Na miss ka lang namin!" humalik siya sa pisngi ko at pinunasan ang lipstick stain na naiwan dito.
"Napaaway ka ba kaya ka absent?" tanong naman ni Queen.
"Parang ganoon na nga."
Tumingin ako sa paligid at nakita ang aking hinahanap. Nasa dulo nanaman siya ng silid, nakatungo, at natatakpan ng libro na nakatayo sa harapan n'ya.
'Hmm, mukhang okay naman siya.' isip ko. 'Ano nga ba ang pangalan n’ya? Ah, tama.'
"Jaydie! Kamusta na?"
Nahulog ang libro sa mesa at nakita ko nang maayos ang namumula niyang mukha. Nginitian ko siya at kinawayan, pero kinuha n`ya lang uli ang libro at muli itong tinakip sa kanyang harapan.
"Sino `yun?" tanong ni Jewel.
"Si Jaydie. Kaklase natin s'ya since year 1." sagot ni Crystal.
"Cute s'ya, ha? Pero mas gwapo pa rin ang Nathan ko!" yumakap sa kanan ko si Jewel at muling idinikit ang dibdib n'ya sa akin.
"Paano mo naman `yun nakilala?" tanong ni Queen, "Parang ngayon ko lang siya nakita sa class natin."
"Okay ka lang? Magkakaklase na tayo since freshmen years, block section kaya tayo."
"Talaga?" ani Naomi, gulat.
"Oo, sobrang tahimik lang n’ya, pero lagi s'yang second sa class natin, kasunod ni Nathan." ako naman ang nagulat.
"Top two s'ya sa class?" this is interesting.
"Akala ko kakilala mo s'ya?" tanong nanaman ni Jewel.
"Nakasabay ko lang s'ya last Thursday, that's all." sabi ko, " Pero I'm beggining to get interested in him."
Nagpaiwan uli ako nang uwian. Sinundan kong lumabas ng room si Jaydie at saka s’ya nilapitan.
"Jaydie, kamusta?" umakbay ako sa kanya.
Biglang napaigtad si Jaydie. Hinarap n’ya ako, nanlalaki ang mga mata, at agad lumayo sa akin.
"Ow, naman, nakakasakit naman ng feelings ang reaction mo." biro ko sa kanya.
"A-anong k-kailangan mo?!" he stuttered. "`D-di ka na dapat lalapit sa akin!"
"Alam ko, binabati lang naman kita, ha?"
"A-ang usapan... hindi ka mag-iingay at lalayuan mo ako!"
Nagbuntong hininga ako at tinaas ang magkabila kong kamay, palms out.
"Alam ko nga, wala naman akong gagawing masama, eh. Gusto ko lang mag-apologize. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Pati ikaw, alam ko na hindi mo ginusto `yon."
Tahimik lang siya'ng nakatitig sa akin, ang kulot n’yang buhok, bahagyang nahulog sa kanan niyang mata na kulay amber. Ang ganda nito’ng tignan, parang pusa, kaya’t inabot ko ang buhok niya para hawiin, pero muli siyang lumayo.
"Look, tulad nang pinag-usapan ng parents natin, wala akong pagsasabihan na isa kang omega, at hindi na rin ako lalapit sa iyo." mukhang nakahinga siya nang maluwag matapos kong sabihin iyon. "Unless," patuloy ko, "Magkusa ka'ng lumapit sa akin."
I smile at him and watch his face burn.
"Gusto ko sana maging magkaibigan tayo." I tell him. "I hope we can be friends?"
"Jaydie!"
Napatingin ako sa likod, sa isang lalaki na tumawag sa aking kausap.
"Sid!"
"Eto ba yung alpha na bumastos sa `yo?!" galit ito'ng sumugod. Agad pumagitna si Jaydie sa amin.
"Sid, nag-sorry lang siya sa akin!" sagot niyang pabulong. "At `wag ka'ng mag-eskandalo rito."
"Oo nga, Sid, humingi lang ako ng dispensa." ngumiti ako sa lalaking mukhang gusto ako'ng balatan ng buhay.
Malaki siyang tao, possibly another alpha? Pero obviously, hindi siya dominant. Una siyang tumingin paalis sa akin at hinatak ang kamay ni Jaydie.
"Halika na nga, baka hinihintay ka na ng mama mo sa bahay!"
"Bye, Jaydie, ingat kayo."
Nagmamadaling umalis ang dalawa, pero bago pa sila lumiko sa hallway ay nakita kong lumingon si Jaydie pabalik sa akin.
Bahagya ako'ng napangiti.