Chapter 45 ”Welcome home!” bati ko kay Reubert na napatitig sa choker sa leeg ko. ”O, saan galing `yan?” tanong n’ya. “Nabili ko sa mall.” sagot ko habang nakaupo sa sofa sa kanyang living room at nagbabasa ng libro. Nito ko lang binuksan ang isang kuwarto sa tabi ko at nakitang mini library pala ito na ang kalahati ay may gym equipment. Tinanggal ko ang choker at inabot si Sir Go para isuot ito sa kanyang leeg. “Ayan, 600 yan. Bayaran mo.” sabi ko, nakalahad ang kamay. “At saan ka naman nakakuha ng 600?” he asked skeptically. “Sale sya, 300 na lang.” amin ko. ”Hindi tuloy ako nakabili ng lunch at merienda.” ”Eh, bakit kasi bumili ka ng choker?” nakasimangot n’yang tanong. “Bagay sa `yo.” ngumiti ako. Lalong lumalim ang simangot ni Reubert. “So, anong kinain mo kanina?”

