Chapter 11 “Halika tuloy ka.” “Nasaan yung kaibigan mo?” ”Nasa Dubai. Pinagamit n’ya muna sa akin ito’ng unit n’ya.” Sinara ko ang pinto at ikinabit sa holder ang key card. Bumukas ang ilaw sa loob ng unit. “H-ha?” namula bigla ang mukha ni Jaydie. “I-ibig mong sabihin... tayo’ng dalawa lang tao rito?!” ninenerbyos n’yang tanong. “Oo, solo natin ang buong unit.” Lumapit ako sa kanya. Umatras naman siya hanggang sa tumama s’ya sa pader kung saan ko siya hinarangan ng aking mga braso. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Itinaas n’ya ang grocery bag ng pinamili namin para `di ko na siya malapitan pa. “M-mag... magluto na tayo...?” “Tamang-tama, gutom na ako...” kinuha ko ang bag sa kanya at ibinaba ito sa lapag, tapos ay muli ko siyang hinarap. ”N-natha-” Hinuli ko ang kan

