Chapter 2
’Papa, kuwento ka uli tungkol kay papa Jonas.’
’Okay, Nathan, halika rito...’
Umakyat ako sa kandungan ni papa habang yakap ang paborito kong stuffed lion.
’Si papa Jonas mo na best friend ko mula grade 2 ang pinaka poging lalaki sa buong mundo - sunod sa akin.’
’Papa, kuwento mo yung sa basketball!’ singit ni ate Blessing na limang taon ang tanda sa akin.
’Pareho kaming starting players sa basketball, ako center, s’ya naman small forward, at taon-taon, palitan kami sa MVP position!’ natawa si papa, gayon din kaming dalawang magkapatid. ’Lagi kaming nagpapagalingan sa lahat ng bagay, at kahit pa lagi ko syang nalalampasan sa math at science scores, mas magaling naman siya pagdating sa arts, english at history, at napaka sarap pa niyang magluto!’
’Opo! Alala ko yung ginataang halo-halo ni papa Jonas, super sarap noon!’ sabi ni ate habang patalon-talon.
’Miss ko champorado ni papa...’ sabi ko.
’Papa, kuwento mo uli kung pano ako nagawa!’ napatitig ako kay ate.
’Ano yun, 'nagawa'?’
’Uy, ikaw talaga, Blessing!’ bakit kaya namula ang mukha ni papa?
’`Di ba sabi mo, Blessing ako?’
Huminga ng malalim si papa at napatingin sa akin.
’Ikaw talaga, baby pa si Nathan, kaya `di pa n'ya puwedeng malaman iyon...’
’Eh, papa, 11 na ako! Sabi sa school, kailangan na namin malaman iyon, di ba?’
’Okay...’ bahagyang nangiti si papa at huminga ng malalim. ‘Kakatapos lang naming mag-practice ng basketball noon...’ kuwento n’ya, ‘Nagpaiwan kami ni Jonas sa mga ka-tropa namin para makapag-laro ng one-on-one dahil may parating kaming laban. Pero biglang sumama ang pakiramdam n’ya...’ unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni papa na natulala. ’Sinamahan ko siya sa locker room para magpalit, nang may naamoy akong mabango... parang bulaklak na napaka tamis ng amoy... tapos noon ay bumagsak si papa Jonas n’yo at nang lapitan ko siya, lalong tumapang ang amoy...’
Natigilan si papa sa kuwento n’ya.
’Nakita nyo po ba yung bulaklak?’ tanong ko. ’Baka may poison yung amoy ng bulaklak?’
’Hindi, Nathan, `yun yung amoy ng omega! Pinag-aaralan namin `yun ngayon!’ pagmamayabang ni ate.
’Tama... kaya ikaw, Nathan, paglaki mo... pagdating mo ng 10 years old, o bago pa noon, tandaan mo, mag-ingat ka sa mga amoy na ganoon...’
’Bakit po?’ tanong ko pa.
Bago pa makasagot uli si papa ay umiyak si Mercy na natutulog sa kuwarto.
’Saka ko na itutuloy ang kuwento pag malaki ka na.’ tumayo si papa at inilapag ako sa kanyang inupuan. ’Silipin ko muna ang kapatid ninyo.’
---
Nine ako nang unang makaamoy ng omega pheromone.
Nasa loob kami ng kuwarto nang may malanghap akong kakaibang amoy .
Para itong bulaklak na napakahalimuyak. Parang prutas na hinog na napakatamis.
At gusto ko itong kainin.
Nawalan ako ng ulirat noon, at nang matauhan, ay kapit-kapit ako ng tatlo sa mga kaklase naming lalaki, habang kapit ng teacher namin ang isa naming kaklase na mula umaga ay matamlay na.
Sira ang polo n’ya, may mga kalmot sa mukha at dibddib, at umiiyak.
Buti na lang at laging may nakahandang injectable suppressants sa lahat ng mga classrooms ngayong panahong ito.
"Isa ka'ng Alpha!" masayang balita ni papa nang magpa-check-up kami sa ospital. "At `di lang basta-basta alpha, isa ka ring dominante! Kaya mo’ng kontrolin ang pheromones mo! Salamat sa diyos at nagmana ka sa akin!" niyakap n’ya ako, naluluha. "Salamat sa Diyos... salamat..."
Okay lang naman maging Beta. Yun ang sabi sa akin ni papa noon, okay lang maging normal, pero ang saya n’ya nang malamang alpha ako.
Pano kaya kung naging omega ako, tulad ng papa Jonas namin?
But who cares?
I'm an alpha, and that's all that matters.
Everything is a piece of cake when you're an alpha.
Everything is simple, and you deserve nothing but the best.
In this world where only the strongest survive, nothing can beat being on top.
"Nathan!" tawag ng mga kaklase ko pagbaba ko ng kotse sa parking lot ng aming university. "Kanina ka pa namin hinihintay!"
"Morning, can't it wait until we reach the classroom?" I asked with a smile, "I haven't had breakfast yet."
"No worries!" namula ang mukha ni Naomi. Siya ang pinaka sikat na babae sa kurso naming management. "We just couldn't wait to see you again."
"Well, why don't we all have some breakfast together?"
Nagtilihan ang mga kasama niyang babae.
I smile once more, happy with all the attention I was getting.
Iilan lang silang babae sa klase namin. After the advent of the secondary genders, nagkaroon ng baby boom at nadagdagan ang female born sa mundo. Mas marami man ang mga lalaki, tuluyang nagiging omega ang ilan sa kanila at nanganganak ng iba pa’ng mga babae, kayat unti-unti na ring nadagdagan ang mga pinapanganak na female sa mundo.
`Di kinalaunan, ngayong bumabalik na ang populasyon ng mga babae, ay tila kumaunti na lang rin ang mga lumalabas na alpha at omega sa mga kabataan ngayon, although, ayon nga sa mga eksperto, ay magiging bahagi na ito ng buhay ng mga tao, dahil sa humalong genetic makeup sa vaccine at gamot na pinainom sa lahat, may 25 years na ang nakalipas.
"Anong gusto mo, Nathan?" tanong ni Naomi na naglabas ng purse. Mukhang kakakuha lang n’ya ng allowance n’ya mula sa gobyerno. "Order anything you want!"
"Isang order ng waffles with bacon and eggs benedict." sagot ko.
"Okay, doon ka na sa pinareserve ko'ng seat, ako na oorder." nakangiti niyang sinabi.
Dumiretso na ako sa aming table.
'Ahh... sarap talaga ng buhay alpha.' nasabi ko sa sarili. ‘Bukod kasi sa pagiging mas angat sa iba physically and mentally, ay mas well-endowed din kami!' natawa ako.
But I guess it all comes down to the being a ‘dominant alpha’.
Ang omega pheromones kasi ay may alpha equivalent.
Hindi naman ito nakakasama sa ibang genders, pero may impact din ito sa mga babae, that's why they find us irresistible. Lalo na ng mga omegas.
Ang mga ordinaryong alpha kasi ay walang kakayahang maglabas ng pheromone na ito, unless they are already in contact with an omega in heat. Kumbaga, lalo nilang pinapalakas ang epekto ng estrus ng mga omega, making the s****l act more enjoyable, if you could call it that.
Ito ang pagkakaiba ng mga dominant alphas who can freely release this pheromones, and even trigger an omega to go into forced heat, kahit `di pa panahon ng estrus cycle nila.
Iyon ang dahilan kung bakit pinipilit ako lagi nila ate uminom ng suppressants ko.
I use the monthly pills available through prescription. Mas mahal ito, pero at least `di ko kailangan uminom araw-araw at back-up tablets lang ang kailangan ko kung sakaling may omega in-heat sa paligid.
Pero nakakasakit pa rin ito ng ulo, particularly for the first two days after taking it, kaya nakakainis uminom nito.
Buti na lang at may kaya kami. may tyuhin kaming nasa pharma business, at sikat na abogado naman si dad. Nakapagtapos siya habang si papa Jonas ang nag-aalaga sa aming magkakapatid. Malaking tulong din ang allowance na nakukuha namin sa gobyerno dahil may dalawa akong kapatid na 'female born', at pati na rin ako na nakakatanggap ng allowance at scholarship for being an alpha and a dominant one to boost.
I guess you can say, swerte talaga ang pamilya namin.
"Nathan, after classes, p’wede ba tayo mag-hang-out? May bagong bukas daw na milktea shop malapit sa campus, treat kita, gusto mo?"
"Hey, unfair!" singit ng kaibigan niyang si Jewel na kaklase din namin. Kumapit pa ito sa braso ko at idiniin sa akin ang kanyang boobs na malalaki. "Let me invite you to our cafe instead, binanggit ko kay daddy na may friend akong alpha, gusto ka niyang makilala, you can order anything you want for free!"
"Hay nako, ginamit nanaman nito ang pera ng daddy n’ya!" sabi ni Crystal sa aking tapat.
Inabot naman ni Queeni ang kamay ko at pinisil ito. "Won't you rather stay with me, Nathan? Walang tao sa amin mamaya, we can talk privately with each other." she said with a seductive smile.
"I'll think about it."
Haay, ang hirap talagang pag-agawan ng mga babae. Hinatak ko palayo ang kamay ko at nagsimula nang kumain.