Fely's POV.. "Tinitingnan mo na naman iyan?" Nakangiti akong napalingon kay Juade na bakas sa mata ang pagod. Nakaoffice suit pa siya at kakauwi palang. Napapadalas ang overtime niya ngayon dahil sa dami ng ginagawa. Sinarado ko ang photo album na hawak ko at pinatay ang tv para puntahan siya at tulungan siya alisin ang kaniyang suot suot. "Kamusta ang trabaho?" Malambing ang aking tono habang binubuksan ang butones ng kaniyang suot suot na dress shirt. "Nakakapagod asawa ko. Bago lang akong CEO at nagaadjust pa." Iginaya ko siya paupo ng sofa at tinanggal ang kaniyang sapatos at mediyas bago kumuha ng kaniyang pamalit. Pumunta naman si Juade sa cr para siguro maghalf bath bago matulog. Alam ko kung gaano siya kastress sa trabaho kaya ako na ang gagawa sa kaniya nito. Din

