Juade's POV... "Wake up baby!" Naalimpungatan ako nang may mahinang pumalo sa aking puwitan. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata at muling sumalubong ang mukha ni Cheena sa akin. Kaagad akong nakaramdam ng lungkot. I want see Fely... Gusto kong makita sa umaga ang pagiging bruha ni Fely sa umaga. Fuck...isang araw lang kaming hindi magkasama ay namimiss ko na agad siya. "How are you? You okay now?" Tanong niya. I lazily nod my head. "Yeah. I'm fine..." I will be fine... "Good!" Pumalakpak siya. "Magayos ka na. Magdadate tayo diba?" Tahimik lang akong tumango bago tuluyan ng bumangon. Sa totoo lang, wala akong gana ngayong araw pero kailangan kong kumilos. Hindi ko na nakuhang kumain. Agad akong dumiretsyo sa cr habang si Cheena ay busy sa kausap na lumabas muna ng kwarto.

