HANNA’s POV MATAPOS ang isang linggong pananatili ko sa bahay ni Grey ay nagdesisyon na akong magpahatid sa kaniya sa bahay namin. Bahay namin nila mama at papa, dahil kailangan kong mag-empake ng mga gamit. Ngayong araw rin kasi sila uuwi para sunduin na ako kaya kahit papaano ay hindi ako nag-aalala na umuwi sa amin. Ang alam ko nga ay nasa biyahe na sila dahil iyon ang sabi ni mama kanina sa huling text niya sa akin. Pero hindi pa nila alam ang totoong dahilan kung bakit ako nagpapasundo. Natatakot pa kasi akong sabihin sa kanila ang totoo sa ngayon. Siguro ay saka na lang kapag nakauwi na kami sa probinsya. Ang tanging sinabi ko lamang sa kanila ay dahil maghihinto na muna ako sa pag-aaral at mas gusto kong manatili sa probinsya hanggang sa manganak ako. Idinahilan ko rin na hirap

