GINO’s POV NAKAUPO ako sa isang sulok ng kwarto. Yakap ko ang tuhod ko. Wala akong damit pang-itaas. Boxer short lang. Nanginginig ako sa takot habang nagpipigil ng iyak sa takot na marinig nila ‘ko. Pero alam ko sa sarili ko na kahit umiyak ako nang malakas, hindi pa rin nila ‘ko maririnig dahil sa lakas ng ulan sa labas. May mamalakas pang kulog at kidlat. Lumingon ako sa bukas na bintana. Gumagalaw ang kurtina dahil sa hangin na nanggagaling sa labas. Gusto kong tumakas dito at dumaan sa bintanang ‘yon. Pero bigla kong naalala ang isang pagkakataon na tinangka kong tumalon doon para makaalis. Nahuli nila ‘ko no’n. And they punished me. All the f*ckers punished me in unimaginable way. Not even an animal deserves that kind of punishment. That kind of pain. Mas lalong nanginig ang kat

