HANNA's POV UMUWI kami sa bahay matapos namin manggaling sa ospital. Nag-inject sila sa akin ng anti-tetanus matapos nilang linisin ang sugat ko. Nagbigay rin sila ng gamot para doon. Maging ang sugat ni Gino sa noo ay nilinis na rin. Buti hindi malalim ang sugat niya. Laking pasalamat ko rin na hindi iyon kailangan pang tahiin. “Hanna,” mahina niyang tawag sa akin oras na makapasok kami sa loob ng bahay. Nasa hulihan ko siya. Pero humakbang siya papunta sa harap ko dahil huminto ako sa pagtawag niya. “I’m so sorry.” Nag-angat ako ng tingin sa mukha niya. His eyes are red, and I’ve never seen him look so sad. “Hindi . . . h-hindi kita napansin. I’m so sorry. I didn’t mean to push you away. Promise.” Yumuko siya sa akin. He presses his mouth to mine and breathes me in. I’m upset and sad

