MINZY’s POV KASALUKUYAN akong nakatitig sa suot kong singsing sa daliri ko. Pinagmamasdan ko ang makinang na bato sa tuktok no’n at pakiramdam ko ay parang nagre-reflect din sa mga mata ko ang kinang no’n. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na ulit ako. This time ay kay Vernon. Nag-propose siya sa akin kahapon matapos niyang sadyain si mama sa amin sa probinsya para ipagpaalam ako at hingin ang kamay ko. Doon pa lang, ramdam ko nang seryoso talaga siya sa akin. Sa amin ni Carl. At hindi ko maipaliwanag ang saying nararamdaman ko ngayon. Dati, matapos ang mga nangyari sa amin ni Gino, maging ang pagkawala ng anak naming si Carla ay inakala kong hindi na muli ako sasaya pa. But I was wrong. P’wede pa pala. At nagsimula iyon nang makilala ko si Vernon. At nagpapat

