Fourteen years ago… GINO’s POV Pagkatapos kong kumain, inayos ni Minzy ang upper bed sa double deck niya. Inalis niya ro’n ang mga nakatambak niyang gamit tulad ng laundry basket, ang transparent na storage box na puro pagkain, mga libro, raketa ng badminton at kung anu-ano pa. “Lilinisin ko ‘tong ibabaw. Dito ka matulog,” sabi niya habang papunta sa maliit na kitchen sink. Kumuha siya ng basahan, binanlawan niya ‘yon sa faucet at pinunasan niya ang upper bed. “Gusto sana kitang pahigaan sa isang kama para maging komportable ka, pero kasi, kay Ate Kathy ‘yon. Baka magtaka s’ya pagbalik n’ya kapag naamoy na amoy lalaki ang kama n’ya.” Napansin ko nga na may isa pang kama na katapat lang ng sa kaniya. Maayos ‘yon at mukhang hindi pa nahigaan. “Okay lang naman kahit dito ako sa baba,”

