HANNA’s POV Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Alam kong nakauwi na si Gino, obvious iyon dahil may nakapalupot na kamay sa bandang tiyan ko. Our legs were intertwined. Naamoy ko rin ang pamilyar niyang pabango, pati na rin ang amoy ng katawan niya. Kinapa ko ang cell phone sa gilid ko para stop ang alarm. Saka ako pumihit paharap kay Gino. Tulog na tulog siya habang nakayakap sa tiyan ko ang kamay niya. Walang pang-itaas. Boxer shorts lamang ang suot niya. Umiral ang karupukan ko kaya napangiti ako nang bahagya habang pinagmamasdan siya. Saglit ko pang hinaplos ang ibabaw ng buhok niya bago ako nagdesisyong bumangon. Pero naramdaman niya ang paggalaw ko kaya dumilat siya nang bahagya. Nang makita niyang patayo ako, agad niya akong kinabig pabalik sa katawan niya at niyakap. My fac

