HANNA’s POV “Aaaaachk!” sigaw ng babae nang tumurit siya sa lakas ng pagsipa ko dahil natamaan siya ng pinto. Nakabalot na siya ngayon ng bathrobe na puti pero kitang-kita ang dibdib niya dahil hindi niya iyon naitali. Humakbang ako papasok sa loob at maging si Gino ay tila nakakita ng multo nang tumama ang tingin niya sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama at may tuwalyang nakabalot sa kaniyang baywang. Pulang-pula ang mukha niya at hanggang dibdib. Mayroong nakakalat na bote ng mga alak sa sahig at box ng sigarilyo. Naduwal ako sa amoy ng alak, sa amoy ng sigarilyong upos at maging sa amoy ng kababuyan nila kaya agad kong tinakpan ang ilong ko at bibig nang maramdaman kong maduduwal ako. “H-Hanna . . .” Tumayo si Gino sa gilid ng kama pero muntik na siyang mabuwal. He’s drunk. Obvio

