IRIS' POV "Kumusta ang pag-e-ensayo n'yo ni Nyx?" Yumukod ako upang magbigay galang sa hari namin—at s'yang ama rin namin ni Nyx. "Maayos naman. Sa katunayan ay maari na uli kaming sumabak sa isa pang laban," nakangiti kong saad sa kanya. "Nahihirapan ka ba sa buhay na 'to, aking prinsesa?" Kita ko ang lungkot sa mga nata ni ama kaya umiling ako. "Masaya ako. Totoo. At kahit pa bigyan ako ng pagkakataon na mabuhay sa ibang mundo ay mas pipiliin ko ang manirahan kasama n'yo habang nakikipag-laban sa mga nilalang ng dilim." "Ama!!!" Napabalikwas ako ng bangon matapos ang tagpong iyon sa panaginip ko. Ama... 'Mas pipiliin ko ang manirahan kasama n'yo habang nakikipaglaban sa mga nilalang ng dilim.' Bigla ko na namang naalala ang usapan namin ng ama ko bago ko tuluyang nilisan ang S

