NADIA's POV Am I too kind to be given a life like this? I'm more lucky than a fallen clover... Habang nakatitig ako kay Travis habang kumakanta siya ay wala akong ibang nakikita kundi ang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habang buhay. Nasa kanya ang kinabukasan ko. Kung napakamahal man ng pangpyansa sa kasalanang mahalin ang isang uri niya, handa akong maghirap basta magawa ko lang ang krimen na mahalin siya. Malamig ang boses niya sa pandinig ko pero may kakaibang init ang haplos nito sa puso ko. Hindi ko na pinigilan ang luhang dumadaloy pababa sa pisngi ko—dahil ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko ay patunay na masaya ang puso ko. Wala akong nakikitang ibang taong pwede kong makasama kundi si Travis lang. He's the one, I know. Because God sent him to me. He's

